Opisyal nang kinilala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang isang world-class gaming institution matapos makamit ang Level 3 Responsible Gaming Accreditation mula sa World Lottery Association (WLA)βisang unang tagumpay sa industriya ng gaming sa bansa.
Iginawad ang sertipikasyon noong Enero 2026, na nagpapatunay na ang PCSO ay hindi lamang nagpaplano kundi aktwal nang nagpapatupad ng pandaigdigang pamantayan sa responsableng gaming. Lahat ng PCSO lottery draws ay ISO-certified, na nagsisiguro ng transparency, integridad, at proteksyon ng mga manlalaro.
Ang WLA ay kinikilalang pandaigdigang awtoridad sa lottery governance na may mahigit 150 miyembrong lottery mula sa 80 bansa. Upang makamit ang Level 3 accreditation, dumaan ang PCSO sa isang mahigpit na international audit.
Β
Dahil dito, nakapantay na ang PCSO sa mga nangungunang lottery operators sa mga bansang tulad ng United States, France, Italy, at Brazilβpatunay na ang Pilipinas ay isa na ngayong lider sa pandaigdigang gaming industry.
Β
Kasunod ito ng pagkilala ng Governance Commission for GOCCs (GCG) noong Disyembre 2025, kung saan hinirang ang PCSO bilang Top 1 GOCC sa bansa na may record-breaking performance rating na 100.63%, batay sa transparency, paglago ng kita, at lawak ng serbisyong panlipunan.
Β
βHindi lang ito parangal kundi patunay ng aming malasakit sa sambayanang Pilipino,β ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, na idinagdag na layunin ng ahensya ang pagsasanib ng serbisyong may puso at world-class na pamantayan.
Β
Sa pagiging Top 1 GOCC at world-certified lottery operator, patuloy na pinatitibay ng PCSO ang isang ligtas, tapat, at pandaigdigang antas na lottery system bilang ambag sa nation-building.