Lantern Festival at Women’s Day, Sabay na Ipinagdiwang sa Bahay Tsinoy

MANILA — Sabay na ipinagdiwang ang Lantern Festival at International Women’s Day noong Biyernes (Marso 6) sa Bahay Tsinoy Museum sa pangunguna ng Embassy of the People’s Republic of China in the Philippines, kung saan itinampok ang kasaysayan, kultura at matagal nang ugnayan ng mga Chinese at Pilipino.
Nagsimula ang programa sa guided tour sa museo na nagpapakita ng ambag ng mga Chinese sa kasaysayan ng Pilipinas mula pre-Spanish period, panahon ng Galleon trade, hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Teresita Ang-See ng Movement for Restoration of Peace and Order, nasa 60 dayuhang delegado ang dumalo sa pagdiriwang. Nagpasalamat din siya kay Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa pagpapahintulot na gamitin ang museo para sa okasyon.
Tampok din sa programa ang pagpapakita ng tradisyunal na kasuotang Chinese, mga aklat at novelty items, pati pagtatanghal ng Chinese folk song, video ng Chinese Kung Fu na may robots, at tampok na video tungkol sa APEC 2026 sa Shenzhen.
Samantala, sinabi ni Marissa ‘Del Mar’ Magsino ng OFW Party-list na hinihikayat ang mga OFW sa Middle East na samantalahin ang planong repatriation ng pamahalaan, kasunod ng pahayag ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maaaring mapauwi ang mahigit 1,400 OFWs sa tulong ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers.
Binigyang-diin ni Magsino na higit na mahalaga ang kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng tensyon sa Middle East at hinikayat ang mga OFW sa Israel na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy o Consulate sa Tel Aviv para sa kanilang seguridad.
Facebook Comments