Unang Global Textile Congress, pormal nang binuksan sa Quezon City

Unang Global Textile Congress, pormal nang binuksan sa Quezon City

a558c99d-30b1-4e68-9dfb-36f1cacc828d.jfif

QUEZON CITY — Pormal nang binuksan ngayong Setyembre 7, 2026 sa Ang Bahay ng Alumni, University of the Philippines Diliman, Quezon City, ang kauna-unahang Global Textile Congress (GTC) at 2026 Philippine Textile Congress (PTC) na inorganisa ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI).

Bitbit ang temang “Stitching Our Shared Textile Futures,” layunin ng kongreso na pagsama-samahin ang mga eksperto, researcher, akademya, pamahalaan at industriya upang palakasin ang pananaliksik, development at innovation sa larangan ng textiles sa Pilipinas at sa buong mundo.

02a75bf0-0697-47d4-9de5-4deb3dcf20e0.jfif54bd82ca-5f48-41e6-a44a-56dbdbb75ddc.jfif

Sa pambungad na programa, nagbigay ng welcome remarks si DOST-PTRI Director Dr. Julius L. Leaño Jr., habang itinampok naman bilang keynote speaker si DOST Secretary Renato U. Solidum Jr.

Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita sa opening plenary session sina Mr. Nikolaus Martys, Industrial Development Expert ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), na tumalakay sa Digital Product Passports for Textiles; fashion designer at Cache Apparel Philippines founder Ms. Ditta Sandico, na nagbahagi tungkol sa sustainability sa Filipino fashion; at Dr. Antonio P. Contreras, propesor sa School of Environmental Science and Management ng University of the Philippines-Los Baños, na tatalakay sa pagbuo ng responsive textile policy para sa Pilipinas.

a5a20c37-4db1-4e5a-9861-040798583875.jfif

Kabilang din sa mga panauhin at kalahok sa plenary session ang mga kinatawan mula sa pamahalaan, akademya at industriya, na makikibahagi sa talakayan hinggil sa kinabukasan ng Philippine textile sector.

Ayon sa DOST-PTRI, mahalagang ipakita na ang textiles ay hindi lamang para sa pananamit kundi may malaking papel din sa kalusugan, sustainability, disaster resilience, advanced manufacturing, cultural preservation at economic development.

Isasagawa ang iba’t ibang aktibidad ng kongreso mula Agosto 24 hanggang Oktubre 30, 2026, kabilang ang mga research colloquia, assemblies, innovation dialogues at plenary sessions.

0a274a5b-9334-4a4c-9fc5-064128d4839c.jfif

Tampok din ang National Textile Consortium Assembly, na magtitipon sa mga unibersidad at higher education institutions na may mga programa sa textile science, engineering, design at mga kaugnay na disiplina. Layunin nitong palakasin ang research collaboration, knowledge exchange at curriculum development para sa susunod na henerasyon ng mga textile professionals.

00b673ec-2be3-41a8-b115-e1125bb3b4f8.jfif

Samantala, nagpapatuloy ang serye ng online research colloquia hanggang Oktubre 1, na tumatalakay sa iba’t ibang paksa gaya ng textile waste management, biotechnology, textile dyes and colorants, nonwoven textiles, natural textile materials, high-performance textiles, textile design at biomedical textiles.

Isasagawa naman ang Innovation Discussion mula Oktubre 8 hanggang 14 sa DOST-PTRI Tela Gallery sa Bicutan, Taguig City, na tututok sa sustainability at circularity sa textile value chain, consumer behavior, pangangalaga sa textile heritage at paggamit ng artificial intelligence sa textile research at manufacturing.

5618bc13-6fd3-48cb-8dbb-b240107e270c.jfif

May pagkakataon din ang mga kwalipikadong propesyonal na makakuha ng libreng hanggang 30 Continuing Professional Development (CPD) units sa kanilang paglahok sa mga aktibidad ng kongreso.

Layunin ng DOST-PTRI na gamitin ang kongreso bilang plataporma upang higit na mapalakas ang ugnayan ng mga lokal at pandaigdigang eksperto at makabuo ng mas makabago, sustainable at globally competitive na Philippine textile industry.

796138862_1007878002335598_8466148291609043661_n

466c1077-3b1c-40a9-8481-d2485691b2be.jfif

Facebook Comments