SMB Oktoberfest sa Okada Manila, muling magbabalik

17f459fb-a622-4b39-b9d6-4ab655cd1f8d.jfif

Muling magbabalik ang San Miguel Oktoberfest, ang mas malaki, mas masaya at mas bonggang beer event ngayong 2026, para sa ika-43 taon ng pagdiriwang. Gaganapin ito sa Setyembre 26 sa Crystal Pavilion ng Okada Manila.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng ika-135 anibersaryo ng San Miguel Beer (SMB) bilang tagapaghatid ng masasarap na serbesa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tiyak na magiging abala ang mga bisita sa isang araw na puno ng Beer, Bites, at Beats. Tampok ang mga espesyal na serbesa, ang SMB Draft Beer Truck, at iba’t ibang kakaibang concoction, kabilang ang Half and Half Beer Cocktail na gawa sa San Miguel Cerveza Negra at San Miguel Cerveza Blanca.

Mas masarap itong ipares sa iba’t ibang gourmet bar bites na siguradong swak sa bawat tagay.

Hindi rin mawawala ang mga musikang bagay na bagay sa selebrasyon. Magtatanghal nang live ang ilan sa mga nangungunang lokal na banda tulad ng Progeny, The Dawn, Freestyle, Lola Amour, at December Avenue.

Makikisabay rin sa kasiyahan si DJ Chelsea, kampeon ng SML DJ Spin-off, na magpapasiklab buong gabi.

Maaaring mag-uwi ng souvenirs mula sa San Miguel Oktoberfest celebration sa SMB Merch Store na matatagpuan mismo sa venue. Available ang mga limited-edition cap, hat, shirt, jacket, at iba pang eksklusibong San Miguel Beer merchandise.

Mabibili na ang mga tiket sa Ticket Melon. Sa halagang ₱1,500, bawat ticket ay may kasamang dalawang San Miguel Beer at pagkakataong makatikim ng mga espesyal na serbesa ng SMB.

Matapos ang kickoff sa Okada Manila, magpapatuloy ang selebrasyon sa Batangas sa Oktubre 3, Tuguegarao sa Oktubre 10, Pampanga sa Oktubre 17, at sa Manila, Iloilo at Agusan del Sur sa Oktubre 24.

Asahan sa San Miguel Oktoberfest 2026 ang isang selebrasyon na puno ng serbesa, masarap na pagkain, magandang musika, at walang kapantay na kasiyahan.

Facebook Comments