HANDOG NG PANGULO: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT, IDINAOS SA MANDALUYONG

172dc008-8793-4fa2-b83e-fd07edae583b.jfif

MANDALUYONG CITY — Isang araw matapos ang kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., isinagawa nitong Setyembre 14, 2026 sa MCST Gymnasium sa Mandaluyong City ang programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat,” na naglalayong ilapit sa mga mamamayan ang iba’t ibang serbisyo at tulong mula sa pamahalaan.

3119ccad-8c13-4f41-9e19-9d31e9ac080f.jfif

1adef715-3fa4-4377-b97c-70ff74c97334.jfif

1488f626-18ad-4ef1-a084-fe9dd12d76f5.jfif

Nagsimula ang programa alas-8 ng umaga sa pamamagitan ng registration, na sinundan ng seremonyang pambungad, roll call ng mga venue, at mga mensahe mula sa mga lokal at pambansang opisyal.

Nagbigay ng welcome remarks sina Mandaluyong City Mayor Carmelita A. Abalos at Mandaluyong Lone District Representative Alexandria P. Gonzales.

Naghatid naman ng mensahe para sa mga dumalo si Usec. Michelle Anne B. Gonzales, Chairperson at CEO ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), na kumatawan sa Pangulo at bumasa ng mensahe ni PBBM.

e7339276-abdb-4616-b77a-a7f1be797d14.jfif

Kabilang sa mga pangunahing isinagawang aktibidad ang pamamahagi ng ikatlong tranche ng 10-kilogram na bigas para sa mga tricycle at jeepney driver. Umabot sa 200 driver ang benepisyaryo nito, habang nasa 800 senior citizen, ang mga naunang nakatanggap ay mula sa Barangay Addition Hills.

Namahagi rin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng mga tool kit, habang isinagawa naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nakalaan para sa tinatayang 2,000 benepisyaryo.

Nagkaroon din ng video greeting para kay Pangulong Marcos at pagkilala sa mga ahensiya at organisasyong nakiisa sa programa.

36b0d318-97c1-4aaf-a2b5-f22fb683cbac.jfif

Matapos ang programa sa MCST Gymnasium, nagtungo ang mga benepisyaryo sa kabilang gusali o Administration Building upang doon ipagpatuloy ang pamamahagi ng mga serbisyo at tulong na nakalaan para sa kanila.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong kumpanya sa mga komunidad sa Mandaluyong.

Kabilang dito ang mga serbisyo mula sa PhilHealth at Department of Health (DOH), medical checkup, pediatric consultation, haircut, massage, eyebrow shaping at iba pang serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan.

a5cc306c-fb6f-4923-8d7b-4b39d86082e0.jfif

3fabcaa8-a741-4aa4-8984-7ece84906997.jfif

Sa pamamagitan ng “Handog ng Pangulo,” patuloy na inilalapit ng pamahalaan ang mga serbisyo at programa nito sa mga mamamayan upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa labas naman ng MCST Building, tampok din ang iba’t ibang pagkain at produktong maaaring bilhin ng mga dumalo, kabilang ang chicharon, ice cream, mga paninda at iba pang pangunahing pangangailangan gaya ng sabon panlaba at sabon panligo.

Ang programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” ay sabay-sabay na isinasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.

0a36dbf7-149e-41e5-a925-816c38f2fb84.jfif

Facebook Comments