image

 

Bago pa man sumapit ang pagdiriwang ng Ika 70th Anniversary ng Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital sa darating na Agosto 1, 2018 , binuksan ng JDMH ang Center for Women’s Health nitong nakaraang June taong kasalukuyan. Ito ay naglalayong maserbisyuhan ang kalusugan ng mga kababaihan. Ang nasabing pasilidad ay mayroong First Time Mom Unit na mangangalaga sa lahat ng pangangailangan ng mga babaeng first time na magiging ina. Mayroon ding Ultrasound System, at Digital Mammography.

Ang First Time Mom Unit ? Ito ay isang Pasilidad para sa mga First-Time Mommies para matulungan sila at mabigyan ng Advice sa kanilang pagbubuntis. Mayroon ding mga free seminars, Pre- and post-natal classes, birthing classes, at free first aid at CPR seminar. Ang pagmimiyembro dito ay walang bayad o libre. Para ka na ring nag-enroll sa kurso tungkol sa pagbubuntis at panganganak, at yung tamang pag-alaga sa baby. Mayroon din silang First Time Mom Support Group.

Mayroon din silang Digital Mammography. Ito ay isang makabagong machine na tumutulong sa mga pasyente na mabawasan ang sakit at maging mas komportable sila sa panganganak. Bukod pa dito, ang kanilang screen ay mas malinaw at maganda ang kalidad na makikita. Sila lang ang may ganitong machine sa buong Pilipinas, at pangalawa sa buong Asia.

Ang Jose Delgado Memorial Hospital Center for Women’s Health ay patuloy na pinapabuti at pinagaganda ang kanilang mga pasilidad, serbisyo, at mga kagamitan para sa pangangalaga ng mga kababaihan, ano man ang idad nila.

Magugunitang ang Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital ay isa lamang maliit na Clinic na may pangalang Delgado Clinic, na kung saan ito ay itinatag noong Agosto 1, 1948 ni Dr. Jesus C. Delgado, isa sa pioneer ng Medical Board Examinations na naging Topnotcher mula sa University of Santo Tomas at ang naging asawa ay si Mrs. Carmen Bayot-Delgado na ang vision ay pagandahin ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng personal na pangangalaga nito sa mga pasyente. imageimage