Author: Raffy Rico

San Juan, Pinasinayaan ang Makabagong San Juan National Government Center

, San Juan City – Pormal nang binuksan at binasbasan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang Makabagong San Juan National Government Center (NGC) noong Agosto 7, 2025. Isinagawa ang isang maikling programa sa Makabagong San Juan Theater sa ika-4 na palapag ng gusali. Pinangunahan ang seremonya nina Mayor Francis Zamora, Congresswoman Bel Zamora, Vice Mayor Angelo Agcaoili, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng lungsod. “Ikinararangal kong sabihin na tunay na world-class ang pasilidad na ito. Dito pa nga isinagawa ang Post-SONA meetings kung saan nagkaroon ng mga breakout session ang mga...

Read More

Pagbuo ng Korpus ng Wikang Malaweg, Isinagawa sa Cagayan

Isinagawa ang pagbuo ng Korpus ng Wikang Malaweg noong 14–16 Hulyo 2025 sa Brgy. Poblacion, Rizal, Cagayan. Sinimulan ang gawain noong 14 Hulyo sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga miyembro ng komunidad ng Malaweg at pagkuha ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC), na pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)–Cagayan. Sa araw ding iyon, nilagdaan ang Memorandum ng Unawaan kaugnay ng pananaliksik. Lumagda rito ang mga kinatawan mula sa komunidad, NCIP, at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Noong 15–16 Hulyo, isinagawa ang koleksiyon ng mga salaysay mula sa mga katutubong tagapagsalita ng wikang Malaweg. Gumamit ang mga...

Read More

ASEAN-BIMSTEC Experts Nagpulong sa Jakarta para sa Agrikultura

4 Agosto, Jakarta, Indonesia – Nagsama-sama ngayong linggo sa mula sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Bay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation (BIMSTEC) upang talakayin ang mga hamon at oportunidad sa pagpapaunlad ng agrikultura na mas inklusibo, matatag sa klima, at konektado sa pamilihan ng rehiyon. Idinaos noong 4–5 Agosto ang Policy Roundtable at Inception Workshop na pinangunahan ng International Food Policy Research Institute (IFPRI), International Fund for Agricultural Development (IFAD), BIMSTEC, Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), at Network of Policy Advisors...

Read More

Mga Empleyado ng GOCCs, Nanawagan kay Pangulong Marcos na Ipatupad ang CPCS-2

CLUB FILIPINO, San Juan City — Nanawagan ang mga empleyado mula sa iba’t ibang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad ipatupad ang ikalawang bahagi ng Compensation and Position Classification System o CPCS-2. Sa naganap na forum ng “The Agenda” nitong Biyernes, Agosto 1, na pinangunahan ni Lolly Acosta, iginiit ni Nanette Jarino-Lati, Pangulo ng Land Bank of the Philippines Employees Association (LBPEA), na patuloy silang nagbibigay ng serbisyo sa kabila ng pagkakait sa ilang benepisyo. Si Lati, na siya ring Executive Vice President ng National Union of Bank Employees Insurance and Finance...

Read More

Ilegal na Pagtatapon ng Dumi sa Kanal, Kinondena ng Pamahalaang Lokal ng Cainta

CAINTA, RIZAL —Mariing kinondena ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal ang ilegal na pagtatapon ng dumi ng tao sa mga kanal sa bayan, matapos mahuli sa akto ang ilang indibidwal na sangkot sa naturang gawain. Sa panayam ng grupong  PaMaMariSan–Rizal Press noong Martes July 29, kinumpirma ni Mayor Kit Nieto na isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek na naaresto nitong Lunes habang isinasagawa ang aktwal na paglabag. “Nakulong sila kahapon matapos mahuli sa akto habang itinatapon ang laman ng septic tank sa kanal. Kanina yata isinailalim na sila sa inquest, pero wala pa akong update kung...

Read More

Tatlong Makabagong Teknolohiyang Pinoy Laban sa ASF, Inilunsad ng DOST at BioAssets

IBIS Styles Manila — Bilang tugon sa patuloy na banta ng African Swine Fever (ASF) sa industriya ng baboy, inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) at BioAssets Corporation ang tatlong makabagong teknolohiya para sa mas mabilis na pagtukoy at epektibong pamamahala ng ASF virus. Sa isinagawang forum noong Lunes, Hulyo 28, na may temang “PigUsapan: Teknolohiya sa Tao, Agham, Teknolohiya at Inobasyon Laban sa ASF,” inilahad ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na 76 sa 82 probinsya sa bansa ang tinamaan ng ASF mula nang unang maitala ito noong 2019. Ayon sa Department of Agriculture (DA), nananatili...

Read More

Taytay, Isinailalim sa State of Calamity dahil sa Baha

TAYTAY, RIZAL — Idineklara na ni Mayor Allan De Leon ang State of Calamity sa bayan ng Taytay dahil sa patuloy na pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan at banta ng paparating na bagyo na may kasamang Habagat. Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity ang mga karatig-bayan tulad ng Cainta at San Mateo. Humiling na rin si Mayor De Leon sa Sangguniang Bayan na maipasa ang deklarasyon upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-ulan at may mga lugar pa rin sa Taytay na lubog sa baha. Namahagi na...

Read More

Relief Operations ng PCSO, Umarangkada ng 2 Araw sa Taytay, Rizal

TAYTAY, RIZAL — Dalawang sunod na araw nang nagsagawa ng relief operations ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dulot ng Bagyong Crising at Habagat. Noong Hulyo 22, pinangunahan ni PCSO Director Janet De Leon Mercado ang pamamahagi ng 516 Charitimba—mga food packs na bahagi ng PCSO’s Corporate Social Responsibility (CSR) program. Ang inisyatibong ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang makapaghatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad. Nasundan ito kinabukasan, Hulyo 23, ng panibagong relief mission ng PCSO,...

Read More

Pribadong Sektor, Tumugon sa Panawagan ng Serbisyo sa Cainta

CAINTA, RIZAL — Sa gitna ng mga pagsubok dulot ng  nananatiling matatag at maagap ang pamahalaang lokal ng Cainta sa pamumuno ng masigasig at mapagmalasakit na si Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto. Sa gitna ng patuloy na pagharap ng bayan sa mga hamon dulot ng matitinding pag-ulan at pagbaha, isang munting tulong ang hatid sa ating mga kababayan sa Cainta mula sa mga katuwang na pribadong sektor at indibidwal na may malasakit. Naghandog ang Wingzilla Philippines at si Boss Anthony C ng 100 packed meals bilang dagdag-lakas at moral boost para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. Kasama...

Read More

DOST, pinalalakas ang inobasyon, tech hub, at gender equality sa agham

MANILA — Pinalalakas ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng teknolohiya at pananaliksik sa bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng centralized tech hub na magsisilbing resource center para sa mga innovator, investor, at publiko. Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., bahagi ito ng mas malawak na estratehiya para isulong ang mga bagong teknolohiya at maging ang mga lumang ideya na may panibagong gamit sa kasalukuyang panahon. “Magiging sentro ito ng mga teknolohiyang maaaring gamitin ng mga nais mamuhunan o magsimula ng proyekto,” ani Solidum sa 8th National Research and Development Conference (NRDC) sa Manila Hotel...

Read More