Author: Raffy Rico

Mag-asawang Discaya, Iginiit na Lahat ng Luxury Cars Ay Legal na Nabili

QUEZON CITY — Tiniyak ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya na walang iligal sa kanilang koleksyon ng mga luxury car na bunga umano ng halos tatlong dekada nilang trabaho sa industriya ng konstruksiyon. Sa isang press conference sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, sinabi ni Atty. Cornelio Samaniego III, abogado at tagapagsalita ng pamilya Discaya, na handa silang humarap sa Senado at wala silang itinatago. Ayon kay Samaniego, may search warrant ang Bureau of Customs (BOC) ngunit nagulat umano ang mag-asawa nang puntahan sila ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno dahil wala ang ilang sasakyan sa bahay at...

Read More

Artikulo Onse Suportado ang Pagbuo ng Komisyon Laban sa Katiwalian

Buong suporta ang ibinibigay ng Artikulo Onse: Citizen’s War Against Corruption (CWAC) sa desisyon ng Pangulo na bumuo ng isang independent commission na magiging matatag na bantay laban sa katiwalian sa pamahalaan. “Malaking hakbang ang pagkakaroon ng isang malaya at makapangyarihang komisyon para maibalik ang tiwala ng taumbayan. Ngunit dapat siguraduhin na tanging mga eksperto, may mataas na integridad, at walang interes sa pulitika o negosyo ang magiging bahagi nito,” pahayag ng grupo. Iginiit ng Artikulo Onse na mga dalubhasa at may malinis na pangalan lamang ang dapat mahalal sa komisyon upang maiwasan ang pagbagsak ng mga institusyon, tulad...

Read More

Iligal na Quarry sa Teresa, Rizal, Ikinababahala ng mga Residente

Teresa, Rizal –Takot at pangamba sa mga residente ng Sitio Gulod Bayabas, at Sitio Bulak,  Brgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal ang umano’y iligal na quarry operation na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide sa kanilang lugar. Ayon kay sitio chairman Renato Tisoy, dalawang linggo na mula nang magsumite sila ng petisyon kay Mayor Rodel Dela Cruz, ngunit wala pa ring tugon. Sa petisyon ng higit 60 residente, iginiit nilang ang quarrying na pinamumunuan umano ni Rodel de Borja sa bundok na pag-aari ng Petron ay sumisira sa kalsada, nagdudulot ng putik, at nagpapahirap sa pagdaan ng mga tao. Nabubuo rin...

Read More

Pililla Mayor John Masinsin, Nababahala sa Tumataas na Gastusin sa Basura

Pililla, Rizal – Ipinahayag ni Mayor John Masinsin ang kanyang pagkabahala sa patuloy na pagtaas ng gastusin ng lokal na pamahalaan sa paghahakot ng basura taon-taon. Batay sa datos ng LGU, gumastos ang bayan ng ₱5.6 milyon noong 2020, ₱7.7 milyon noong 2022, at umabot na sa ₱9.5 milyon noong 2024 para sa garbage collection. Kasabay nito, tumaas din ang dami ng nakokolektang basura: mula 472 truckload noong 2020, naging 792 truckload na noong 2024. Ayon kay Masinsin, nakakalungkot na maliit lamang ang itinaas ng populasyon ng Pililla—mula 68,400 noong 2020 tungong 72,500 ngayong 2024 o 5.8%—kumpara sa napakalaking...

Read More

San Mateo Kumontra sa Plano ng Basura ng Maynila

San Mateo, Rizal – Inalmahan ng lokal na pamahalaan ng San Mateo ang anunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na gagamitin ng Maynila ang New San Mateo Sanitary Landfill (NSMSLF) simula Agosto 27, 2025 sa pagtatapon ng kanilang basura, umano’y may basbas mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay San Mateo Mayor Bartolome “Omie” Rivera Jr., wala silang natanggap na abiso o konsultasyon bago ipatupad ang naturang desisyon. Paliwanag niya, ang NSMSLF ay itinayo lamang bilang alternatibong tapunan sakaling magsara ang landfill sa kalapit na bayan ng Montalban, at hindi ito nakalaan para sa malaking volume ng...

Read More

Artikulo Onse, Inilunsad Kontra Korapsyon

QUEZON CITY – Inilunsad noong Lunes (Agosto 25) ang “Artikulo Onse: Citizens’ War Against Corruption” sa Quezon Memorial Circle upang paigtingin ang panawagan laban sa katiwalian sa pamahalaan. Nanawagan ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng isang Independent Commission sa pamamagitan ng Executive Order para imbestigahan ang mga alegasyon ng korapsyon. Binigyang-diin ng kilusan na nakasaad sa Artikulo 11 ng 1987 Konstitusyon na “Ang posisyon sa gobyerno ay isang tiwala ng bayan.” Kaugnay nito, nakatakda silang maglunsad ng “Shame Campaign” laban sa mga mapapatunayang sangkot sa katiwalian, sa publiko man o pribadong sektor. Ayon kay Atty....

Read More

KWF, Nagdaos ng Parangal sa Buwan ng Wika 2025

Quezon City – Ipinagdiwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Gabi ng Parangal ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 noong Agosto 19 sa isang hotel sa lungsod Quezon, kasama ang mga opisyal, panauhin, at tagapagtaguyod ng wika. Itinatag ang Buwan ng Wikang Pambansa ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1954. Ngayong 2025, pinangunahan ng KWF ang selebrasyon na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Ayon kay Dr. Benjamin M. Mendillo, Jr., KWF Commissioner sa Pangasiwaan at Pananalapi at kinatawan ng wikang Ilokano, ipinagdiriwang ngayong buwan ang kaarawan ni Quezon. Aniya, mahalaga...

Read More

Marikina City, Tututok sa Digitalization para sa Mas Mabilis na Serbisyo

Siniguro ni Marikina Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro na manpapatuloy ang pagsusulong ng lokal na pamahalaan sa digitalization ng mga serbisyo upang mapabilis at mapadali ang pakikipagtransaksyon ng mga residente sa city hall. Ayon sa alkalde, kabilang sa mga serbisyong unti-unting isasailalim sa digital system ang pagbabayad ng multa, pagkuha ng business permits, at iba pang dokumento. Nagsimula na rin umano ang pamahalaang lungsod sa process audit o pagsusuri ng lahat ng proseso upang mabawasan ang mga hindi kinakailangang hakbang at mapabilis ang turnaround time sa pagkuha ng mga dokumento. Binigyang-diin ni Teodoro na malinaw ang direksyon ng lungsod:...

Read More

Mayor Gerry Calderon: Angono Handang-handa sa Pag-unlad, Hindi na Binabaha

ANGONO, Rizal – Nilinaw ni Mayor Gerardo “Gerry” V. Calderon na hindi totoo na laging binabaha ang bayan ng Angono gaya ng ipinakita sa ilang ulat sa telebisyon. Ayon kay Calderon, mula nang tumama ang Bagyong Ondoy noong 2009, wala nang malawakang pagbaha sa bayan dahil sa isinagawang River Rehabilitation Program ng lokal na pamahalaan katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH). “Dati umaabot sa 1,000 ang evacuees namin, ngayon nasa 100 na lang. Kung umapaw man ang lawa, shoreline lang ang apektado. Sa 90% ng Angono, wala nang baha,” paliwanag ng alkalde. Kasama sa rehabilitasyon ang...

Read More

DOST-CAR Nagsagawa ng Magkasunod na Agham at Resilience Events sa Baguio

Baguio City – Matagumpay na idinaos ng Department of Science and Technology – Cordillera Administrative Region (DOST-CAR) ang dalawang malaking science events: ang HANDA Pilipinas Luzon Leg 2025 at ang 2025 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) noong Agosto 7 hanggang 9 sa Newtown Plaza Hotel, Baguio City. Dumalo sa tatlong araw na selebrasyon ang mga opisyal mula sa national at local government, mga siyentipiko, innovator, guro, at disaster risk reduction experts. Layunin ng mga aktibidad na ipakita kung paano makatutulong ang agham, teknolohiya, at inobasyon (STI) sa pagpapalakas at pagbabago ng mga komunidad. May temang “Bida ang...

Read More