Barangay Commonwealth, sumali sa KaltaSSS-Collect Program

image

Lumagda sa isang pormal na kasunduan ang Social Security System (SSS) Fairview Branch at Barangay Commonwealth Quezon City para sa isang layunin na mabigyan ng social security protection ang may 42 job order at kontraktuwal na manggagawa ng local na pamahalaan.

Layunin ng nasabing kasunduan na pinirmahan sa Barangay Hall ng Commonwealth, Quezon City na tulungan ang mga job order at kontraktuwal na mangggawa sa LGU na makinabang mula sa pagiging self-employed na miyembro ng SSS.

Sa ilalim ng programang KaltaSSS-Collect, responsibilidad ng mga ahensya ng gobyerno at LGUs tulad ng Barangay Commonwealth na ibawas ang buwanang kontribusyon sa sahod ng kanilang mangaggawa at i-remit ito kaagad sa SSS.

Itaas na bahagi ng larawan (nakaupo mula sa kanan) si SSS Fairview Branch Head Liberty A. Gordovez kasama sina Barangay Commonwealth Chairman Manuel A. Co at Barangay Commonwealth Secretary Ceferino C. Crisostomo matapos pirmahan ang kasunduan. Kasama din sina (nakatayo) Barangay Kagawad Rowena E. Lucas (2nd mula sa kaliwa), Reynaldo O. Sevilla (3rd mula sa kaliwa) at Sarah T. Marano (kanan) pati na rin (mula sa kaliwa) sina SSS Fairview Senior Clerk ng Accounts Management Section Evangeline M. Diamitas, Senior Accounts Officer Nelia S. Magisa at Service Bureau-Clerk Dane Beau S. Perucho.

Nasa ibabang larawan naman ang mga bagong miyembro ng SSS na nasa sa ilalim ng KaltaSSS-Collect Program habang nanonood sa pagplagda sa nasabing kasunduan.

Tell us what you think!

You might also like to read:

Permanent link to this article: http://noonbreakbalita.com/barangay-commonwealth-sumali-sa-kaltasss-collect-program/