MGA bagong patrol cars ang regular na makikita ngayon sa mga lansangan ng Caloocan City, ito’y matapos na iturn -over ni Mayor Oscar Malapitan and dalawamput isang (21)Toyota Vios sa Philippine National Police (PNP) Caloocan Headquarters, bilang dagdag sa police mobility at visibility initiatives ng pamahalaan.
Ayon kay Malapitan, sa kanyang unang flag raising ceremony ngayong taon (January 5, 2015), itataas din niya ang police augmentation allowances mula P1, 000/month ay gagawin na itong P1,500 monthly simula ngayong January 2015.
Sinabi pa nito, na ito’y katulad din sa augmentation allowances ng mga guro sa gobyerno, na kung saan ang pera ay idadaan sa individual ATM accounts ng mga tatanggap, para sa mas madaliang transaksion.
Sa panig ng PNP, pinasalamatan ni Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Bartolome Bustamante si Mayor Malapitan dahil sa kanyang suporta sa kapulisan, kasabay ng pangakong mas lalo pang paiigtingin ang pagtugis sa mga kriminal para bumaba ang krimen sa kalunsuran, sa pamamagitan ng partisipasyon ng mga barangay.
Binigyang diin ni Bustamante na batay sa 2014 crime data, bumababa ang insidente ng index crimes sa Caloocan o krimen laban sa tao at ari-arian.
Ang dagdag na bagong police cars, ang siyang nagpataas sa bilang ng rolling assets ng Caloocan PNP na may 70 units, kasama na dito ang mga lumang modelong Toyota Corolla Altis, Vios, Hilux pickup, at mga multicab.
Kamakailan, nagpalabas na rin ang city government ng 18 brand new Foton Tornado Vans bilang roving security units na may police escorts, na siyang pangunahing gamit bilang rescue vehicles sa panahon ng mga baha at iba pang kalamidad.
Patuloy naman ang pag suporta ni Vice Mayor Macario “Maca” E. Asistio sa mga ginagawang magaganda sa lungsod, ganon din si 2nd District Congressman Egay Erice, na patuloy ang masigasig na paglilingkod sa bayan kasama ang mga konsehal na sina Dale Gonzalo “Along” Malapitan, Kon, Carmelo Africa, Kon. Dean Asistio Aurora Henson, Jr. , Kon. Marilou San Buenaventura, Kon. Dra. Susana Punzalan, Kon. Karina Teh, Carolyn “Carol” Cunanan, Kon. Milagros Mercado, Kon. Roberto “Obet” Samson, Kon. Allen Aruelo, kon. Chito Abel, Kon. Tolentino “Tino” Bagus, kasama na ang Chief ng DPSTM Larry Castro.