image

Ngayong taon, pangungunahan ng bansang Pilipinas ang pagdaraos ng regional conference para sa ikalawang ASEAN Mangrove Congress sa ika-5 hanggang ika-8 ng Septyembre 2017, na inorganisa ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Layunin nito na palakasin ang Southeast Asia’s technical and institutional capacities tungo sa tamang pangangalaga ng mangrove sa hinaharap dahil sa pabago-bagong klima o climate change.

Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, siya ay naniniwala at umaasa na ang limang araw na regional conference ay magiging daan para sa tema nitong “Sustainable Management of Mangroves in the Course of Climate Change.” matatandaang ito ang pangalawang beses na naging host ang bansang Pilipinas. Una nang ginanap sa bansa ang ASEAN Mangrove Congress December 2012 na nilahukan ng 81 participants mula sa ibat ibang bansa, kagaya ng bansang Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam, at ang ASEAN development partner United States.

Ang nasabing okasyon ay Lalahukan ng mga mangrove practitioners, government officials, scientists, at maging mga academicians na siyang gagawa ng mga pananaliksik sa mangroves sa ASEAN region. layon nito ma-i-update ang mga kasaping bansa at iba pang lumahok sa nakaraang “research and development on mangrove resource” at nang mapanumbalik ang public awareness sa kasalukuyang isyu, ang dating nito, at ang mga pangamba sa mangrove habitats lalo na sa climate change.

Ang mga dadalong representatives mula Malaysia, Myanmar, Thailand, Singapore, Vietnam at Pilipinas ay magpapakita ng report tungkol sa kalagayan ng mangrove management mula sa kani-kanilang mga bansa sa gaganaping pagpupulong. Magkakaroon din ng plenary talks sa Mangrove Ecology, Functions and Fisheries; Mangrove Restoration and Rehabilitation; Climate Change Adaptation and Mitigation and Socio-Economic and Valuation Studies. Ang mga delegado ay makikiisa sa eco-tour, lecture and mangrove planting activity sa Triboa Mangrove Park in Subic, Zambales.

Samantala, ang Pilipinas din ang mangunguna sa gaganaping pandaigdigang pagpupulong hingil sa wildlife protection sa darating na 12th Conference of Parties to the Convention on the Conservation of Migratory Species of Wild Animals (CMS-COP12), na gaganapin sa ika-23 hanggang ika-28 ng Oktubre 2017. Ang Biodiversity Management Bureau o BMB na isang ahensya ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mangunguna sa gaganaping panpupulong.

Sa temang, “Their Future is Our Future – Sustainable Development for Wildlife and People”, ito ang kauna-unahang pagpupulong ng CMS na magaganap sa Asya simula noong napagtibay ang pandaigdigang kasunduan kaugnay ng migratory species sa Bonn, Germany noong 1979. Ang mga migratory species ay tumutukoy sa mga hayop na dumadayo sa ibang bansa mula sa kanilang mga tirahan tuwing sasapit ang tag-lamig. Tinatayang aabot sa isang libong delegado mula sa 124 na bansa na kasapi ang dadalo sa nasabing pagpupulong.

Ayon kay DENR Undersecretary Ernesto Adobo, Jr., inaasahan rin ang pagdalo ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang mga pandaigdigang organisasyon, pribadong sektor, at iba pang mga institusyon na may kinalaman sa pagprotekta ng mga migratory species. Dagdag pa nito na isang malaking karangalan para sa ating bansa na dito idinaos ang pinakamalaking komperesya. Na dito sa bansa na may layuning pangalagaan ang mga migratory species.

Si Adobo na tagapangulo ng Inter-agency Committee ang hinirang upang pangasiwaan ang nasabing komperensya, na nakatakdang ganapin sa Philippine International Convention Center, Pasay City.