32231627_1643256039056309_8100858269343416320_n

May 10, 2018 – Ang isa sa pinakamalaking Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa bansa, ang “UHOP” ay nagsagawa ng Press Conference para i-anunsio ang pagiging Firm Investor ni  FLOYD MAYWEATHER JR sa nasabing TNVS. Ito ay ginanap sa mismong opisina ng UHOP na matatagpuan sa UH 11th Floor, East Tower, Philippine Stock Exchange (Tektite Towers) Exchange Road, Ortigas Center, Mandaluyong City.

Ang nasabing Press Conference ay dinaluhan nina: Boxing icon Floyd Mayweather Jr., Chairman, Marvin dela Cruz, u-Hop Investment Manager Renan Morales at maraming iba pa.

Sa nasabing Press Conference, sinabi ni Mayweather, na sa nalalapit na laban ni Senator Manny Pacquao laban kay WBA welterweight champion Lucas  Mattysse sa darating na July 15, ang wish nito ay manalo si Pacquao. “We’re in the Philippines, we all gonna wish Manny good luck”, ayon pa kay Mayweather. Inihayag pa nito, na ang laban ng dalawa ay magiging exciting at kapanapanabik.

Magugunitang, taong 2015 ng talunin ni Mayweather si Manny Pacquiao via unanimous decision sa kanilang mega-fight na ginanap sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, na kung saan dalawang hurado ang humusga sa laban. Sa unang hurado nagbigay ng score na 116-112, at sa pangalawa naman nagbigay ng 118-110.