33747432_1901899286547209_3524350451136856064_n (1)

Nagpatawag ng press conference nitong nakaraang May 29, 2018 ang grupo ng Alay-Buhay Party List, para ipakilala ang kanilang magiging pambato na siyang magiging unang representante sa darating na National election sa Mayo 2019.

Ang kanilang bagong miyembro, na siyang magiging boses umano ng mga maliliit na negosyante sa bansa, magiging tinig ng Micro- Medium Enterprises ( MSME) ay si Michael C. Fermin, isang negosyante at tubong Bulacan.

Ayon sa mga miyembro ng Alay-Buhay at tagapagpakilala, si Fermin ay ipinagmamalaki umano ng kanyang kinalakhang bayan at probinsiya, dahil sa pagiging matulungin nito sa kanilang lugar. Tumutulong umano si Fermin sa mga maliliit na negosyante na walang kakayahang mamuhunan ng malaki at walang sapat na kakayahan sa pag lalakad ng mga papeles para makapag umpisa ng kani-kanilang maliit na negosyo.

Si Fermin umano ay naseserbisyo publiko sa kanilang lugar bata pa lamang, at sa ngayon, isa ito sa director ng Poro Point Management Corporation (PPMC) sa La Union – isang grupo na namamahala na gawing isang economic zone ang dating base Militar ng mga Americano, ayon pa sa tagapagpakilala nito.

Ayon naman kay Fermin, na napakarami ng programa ngayon ng gobyerno na para sa mga residente ng bansa na nais magkaroon o magsimula ng maliit na negosyo, subalit marami rin umano ang hindi nakakaalam sa mga ganitong programa, at ang iba naman na nakakaalam ay nawawalan ng interes dahil sa dami ng hinihinging requirements at napakabagal na proseso nito. Kung kaya, ito umano ang isa sa pag tutuunan niya ng pansin, ang maging susi at tulay ng MSME para sa mga nakalaan na programa at patakarang ng pamahalaan na laan para sa kanila.

Hindi umano sapat ang bigyan ng gobyerno ng kaunting cash para sa kanilang pangangailangan ang mga tao. Ang kailangan  siguro umano ay bigyan ng sapat na kaalaman sa pag nenegosyo. Halimbawa:  mag conduct ng mga seminars ukol sa pag-nenegosyo at mapahiram ng puhunan na maliit lamang ang tubo, para naman makapag pundar sila ng kanilang mga gamit at matugunan ang kanilang pangangailangan ng hindi na umaasa sa pamahalaan.

Ayon pa sa mga miyembro ng Alay-Buhay, sa karanasan at kaalaman, hindi umano maipagkakailang kaya nitong maging boses ng MSME at maging pangunahing representante ng Alay-Buhay Party list.

34174157_1939677352729306_1315101630072356864_n

33965328_1901899433213861_3236038204318547968_n 33902196_1901899546547183_2376733128061353984_n