image

Ni Precy Faustino-Lazaro

Sa ikalawang taong  anibersaryo ng Executive Order 26 (EO 26) Providing For The Establishment Of “Smoke-Free Environments In Public And Enclosed Places”, na kung saan ito ay ginanap sa Manila Hotel, Manila, Philippines nitong nakaraang Hulyo 18, 2019 na may temang “Sustaining A Smoke-Free Philippines”, na nilagdaan ni President Rodrigo R. Duterte dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang nasabing selebrasyon ay nilahukan ng mga mayors sa buong Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Undersecretary of Department of Interior and Local Government (DILG) Jonathan Malaya, spokesperson ni DILG Secretary Eduardo Año ang Executive Order 26 mandating the establishment of smoke free environment. Pagkatapos ng paliwanag ni Malaya, naitanong nito kung nasaan na tayo ngayon.

Samantalang sa paliwanag naman ni Ms. Mary Ann Z. Hernandez – Mendoza ng Health Justice Philippines, hinimay naman nito ang mga mithiin ng nasabing forum.

Tinalakay naman ni Ms. Rosalie Paje ng Department of Health (DOH) ang tungkol sa “the smoke free environment; Public health strategy.”

Sa video presentation ng mga progresibo o mga magagandang naidulot ng implementasyon ng EO No. 26 na suportang handog ng Health Justice at ang manifesto signing to sustain the establishment of smoke free Philippines, na ang Mithiin ng Health Justice ay “to bridge the gap between health and law through building knowledge and competencies among key stakeholders to achieve policy changes that will promote the health of Filipinos.”

Pinagtuunan nang pansin sa naturang forum na kailangan na talagang matigil ang paninigarilyo. Sa buong mundo ay 1/3 ng matatanda daw ay regular na na-e-expose sa second-hand tobacco smoke. Ang Smoke-Free environments ay nakakapagpababa ng exposure sa second hand tobacco smoke ng 80-90% sa high exposure setting.

Ang mga nakakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo ay pwedeng magkasakit tulad ng asthma, nasal at sinus cancer, lung cancer at iba pang mga sakit. “Smoke-free environments not only protect non-smokers, they reduce tobacco use in continuing smokers and help smokers who want to quit,”Ayon pa sa Let’s Go SMOKE-FREE.

Sila Mayor Renato Y. Gustilo ng San Carlos City Negros Occidental at Mayor Antolin A. Oreta ng Malabon City ay ilan lamang sa maraming Local Government Unit Heads na dumalo kabilang na din si Engr Emer Rojas, Pangulo ng New Vois Association of the Philippines (NVAP). Ayon kay Mayor Gustilo, ang EO 26 ay may Designated Smoking Area (DSA) ngunit sa kanilang lugar ay wala nito. Sila daw ay bumuo ng tinatawag nilang Law Enforcement Team (LET) na siyang nanghuhuli sa mga pasaway na naninigarilyo sa San Carlos City. “Ang NVAP naman ay kabalikat ng LGUs at DOH sa pagpapatupad ng EO 26 dahil ito ay para sa kalusugan ng bawat Filipino,” ayon naman kay Engr. Rojas.

image

image

image