Siniguro ni Cainta Mayor Kit Nieto na sa loob ng isang buwan anim na libong residente ang pakakainin ng pamahalaang lungsod ng Cainta  araw-araw. Plano umano nilang simulan ang nasabing programa sa darating na huwebes Marso 19, taong kasalukuyan.

Ayon Kay Nieto, mamimigay umano sila ng food stubs sa mga bara-barangay na pangamgasiwaan naman ng kani-kanilang mga barangay Chairman. Target umano nilang magpakain ng anim (6) na libong residente sa loob ng isang buwan, ito umano ay bilang tugon ng bayan ng Cainta sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine.

Sinabi pa ng alakalde, na sasagarin na umano nito kung ano man ang nakalaang pondo ng pamahalaang lungsod ng Cainta Rizal para lang matugunan ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Paliwanag ng alkalde na, diskresyon na ng mga punong barangay ang pamimigay ng stubs para sa pagkain, subalit ito umano ay gastos ng Munisipyo.

Dagdag pa ni Nieto, na  kung sa loob ng isang buwan ay ipinagpatuloy pa rin ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon,  kung kinakailangan,  mag aadjust din umano sila hanggang sa mawala na ang virus sa bansa. Binigyan diin pa ng alkalde na huwag mag alala ang mga taga Cainta dahil matatapos din umano ang laban nila kontra Covid 19.