Ang Municipal Government ng Taytay Rizal ay namahagi na ng Food Packs sa mga residente nito na  naninirahan sa mga Bara-barangay, na kung saan sa unang bugso ng pamimigay ng food packs umabot sa 100,000 initial na bilang ang naipamahagi ng munisipyo. Ito ay dahil na rin sa ipinatutupad na  Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng 5 kilong bigas (well-milled), canned goods, noodles, coffee, sugar, powdered milk at bottled water. “Na kung saan una ng nakinabang ang limang (5) barangay ng nasabing bayan. Ang food packs na na-deliver ay initial na bahagi pa lamang, at ang susunod na pamamahagi nito sa iba pang baragay ay  sa darating na linggo  naman,” ayon pa sa alkalde.

Mamimigay din ang Munisipyo ng 2 gallon na alcohol sa bawat simbahan at chapel ng nasabing bayan, “Nakapamahagi na rin ng humigit kumulang na 10,000 na libreng alcohol bottles na 70 per cent solution (200 mg) at 45,000 piraso na face mask. May kasamang din na Alaska Milk na pampalakas ng ating immune system. Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi nito sa bawat sitio, purok at lugar na nasasakupan ng ating bayan,” ayon pa sa Mayor.

Ang Munisipyo ay gumamit na rin ng environment-friendly disinefectants with solo mistblowers para masanitize at madisinfect ang buong bayan at mga pampublikong paaralan. Kasama na rito ang Daycare centers, tiange stalls, public markets, parks at playgrounds, police station, iba’t ibang public multi-purpose buildings, pedestrian overpass, churches, chapels, worship places, barangay halls, toda terminals at iba pang pampublikong lugar. “Tuloy-tuloy pa rin ang ating disinfection, mistings at fumigation sa lahat ng pampublikong lugar at sa mga mataong lugar,” sabi pa ni Mayor Gacula.

Namigay din ang Lokal na pamahalaang bayan ng Taytay ng thermal scanners sa mga health frontliners, security guards, unipormadong empleyado ng bayan at local police para madali nilang ma check at ma-examine ang mga motorista na papasok sa nasabing bayan. Nakahanda na rin ang mga cubicle tents para sa pagtatayo nito, anumang  oras sakaling dumami ang mga taong sasailalim sa inbestigasyon (PUIs) at sa mga taong sasailalim sa monitoring (PUMs), sakaling tumaas na ang bilang nito. “Nakapagtayo na rin tayo ng airconditionied tents sa kahabaan ng J. Sumulong Street na pinagigitnaan ng Taytay Emergency Hospital at likod ng Divimart para sa lahat ng magiging pasyente na makakaramdam ng sintomas ng ubo, sipon, lagnat, panunuyo ng lalamunan at hirap sa paghinga. Kasabay nito ay nakahanda na rin ang mga health professionals na siyang tututok sa lahat ng pangangailangan ng hinihinalang may karamdaman,” diin pa ng Alkalde.

Ang municipal council ay nagpasa na rin ng ordinansa na nauukol sa State of Public Health Emergency.