Binigyang diin ni San Juan City Mayor Francis Zamora na libre ang pag paparking ng mga sasakyan sa loob ng Pinaglabanan Shrine sa mga nag jo-jogging  sa umaga, partikular sa mga senior citizen at lehitimong taga San Juan na may dalang sasakyan. Subalit ito ay may takdang oras hanggang 8:00 ng umaga lamang na naaayon sa batas na ipinatutupad.

Pakingan po natin ang kanyang sinabi:

Dagdag pa ng Alkalde na kailangan sundin lamang ang ipinatutupad na ordinansa ng lungsod pagdating sa pagpaparking ng mga sasakyan sa palengke at ibat-ibang establisimiento sa lungsod  partikular sa paligid at sa loob ng Pinaglabanan Shrine.

image

Samantala, tiniyak ni Mayor Francis Zamora na mas lalo pang paiigtingin ang pagmomonitor sa mga iligal na paninda sa Greenhills. Ito ay matapos  tawagin ng US na  “Piracy Hub” ng Pilipinas  ang Greenhills shopping center.

Kinausap na rin ni Zamora ang mga may-ari ng mga stall na tigilan na ang pagbebenta ng mga iligal na produkto. Ayon pa sa Alkalde, ipatutupad nila ang buong pwersa ng batas sakaling hindi sumunod ang mga may-ari nito.

Dagdag pa ni Zamora na patuloy nilang babantayan at hindi hahayaan ang mga nagtitinda na lumabag pa sa batas.