image

Dalawang batang lalake ang namatay, tatlumpung(30) pamilya ang nawalan ng tirahan, at aabot sa 120 indibidual ang nawalan ng masisilungan, matapos sumiklab ang sunog sa bahagi ng residential area sa  Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City sabado ng umaga, Marso 11, 2023.

Sa inisyal na inbistegasyon ni Arson investigator SFO2 Alvic Alabastro, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng tatlong palapag na bahay na pagaari di umano ni Marie Kristina Arceli.

Lumalabas na sumiklab ang sunog bandang 7:15 ng umaga at pagkatapos ng halos labing isang oras naapula na ang apoy. Saka pa lamang nadiskubre ang dalawang sunog na bangkay ng dalawang batang lalake na hindi na binaggit ang pagkakakilanlan, na may edad limang(5) taon at walong (8) taon gulang.

Ayon sa Mandaluyong City’s Bureau of Fire Protection, tinatayang aabot sa halagang  P150,000 ang nasunog na bahay at ari-arian.