image

Pinangungunahan ni Dr. Richard Nixon Gomez, Scientist/Inventor ng BAUERTEK CORPORATION,  kasama ang buong pwersa ng media mula sa Radyo, TV, Print at Online, at ilang vloggers, binisita ang BAUERTEK CORPORATION Laboratory na kung saan dito ipoproseso ang cannabis o marijuana. Ito ay gamot para sa ibat-ibang uri ng sakit  at malalang karamdaman, tulad ng: depresyon, epilepsy, alzheimer, sleep disorder, anxiety at marami pang iba. Ito ay matatagpuan sa 9001 Bacood, Sta Rita, Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay Dr. Gomez, sakaling maisa-batas na ang paggamit ng Medical Cannabis o marijuana sa bansa, handang-handa na ang laboratoryo sa pagpoproseso para gawing medical tablet at medical oil ang cannabis. Maaari na itong isabay sa mga halamang gamot o food suppliment na dati ng minamanufacture simula pa noong itatag ang BAUERTEK CORPORATION taong December 16, 2019.

Dagdag pa ni Dr. Gomez, nakahanda na rin ang pagtatamnan ng cannabis. Kapag tuluyan ng naisabatas para gawing medical cannabis ang marijuana, ida-dagdag na rin itong itatanim sa dati ng tanim ng mga halamang gamot sa ibat ibang lugar sa bansa.

Inikot ng buong media at ilan pang mga bisita ang buong laboratoryo at pasilidad ng BAUERTEK sa pangunguna ni Dr. Richard Nixon Gomez. Kasunod nito ay isinagawa ang live Media Health Forum sa mismong studio na nakabase sa tanggapan ng BAUERTEK. Dito rin siya nagsasagawa ng kanyang Live na programa sa ibat-ibang tanggapan ng radyo para sa kanyang programang “Kaibigan sa kalusugan.”

Ang kanyang pograma sa Radyo na KAIBIGAN AT KALUSUGAN ay may kaakibat na Free Consultation with Health Lecture, kagaya ng: Symptoms, Causes, Complications, and Intervention. Ito ay mapapakinggan sa Radio Veritas 846 KHz on AM Radio, www.veritas846.ph Monday – Friday 2:00pm -3:00 pm; DWWW 774 on AM Radio, www.774dwww.ph Monday – Friday 6:00 pm –7:00 pm ; DZWT 540 KHz on AM Radio, www.dzwt540.com, Monday – Thursday 7pm – 8pm; J101.5 FM Big Radio www.J101FM.wix.com/BIGRADIO, Saturday, 8:00 am– 9:00 am; DWZR 101.7 FMRadio, www.facebook.com/Biraheee.

Sa ginanap na Health Media Forum, naging panauhin sina:  Chuck Manansala, President, Masikhay Research; Lui Manansala, Co-Convenor Seniors for MedCan Philippines; Lea Fullon, Program Director Haraya Policy Center.

image

image

image

image

image