QUEZON CITY – Nasungkit ng D’ Shipper RS-BBB RCF E’Bros Balaraw, pinagsamang entry nina J. Bacar, RCF, B. Joson, E. Brus, at F. Maranan, ang kampeonato sa unang edisyon ng 2025 World Slasher 9-Cock Invitational Derby na ginanap noong Enero 20-26 sa Smart Araneta Coliseum.
Sa seremonya ng paggawad noong Enero 31 sa Novotel, kinilala ang koponan matapos nilang dominahin ang torneo na may malinis na 9-0 rekord, dahilan upang makuha nila ang solo championship sa prestihiyosong kumpetisyon na tinaguriang “Olympics ng Sabong.”
Ayon sa mga nagwagi, hindi nila inaasahang magiging kampeon ngunit inialay nila ang tagumpay sa sipag, tiyaga, at maingat na paghahanda. Hinimok din nila ang mga nagnanais magtagumpay sa sabong na maging masigasig, disiplinado, at pamilyar sa kanilang mga panlaban.
Sa pangalawang Pwesto (8.5 puntos): Engr. Emer Sumigad’s ES Matrix Blackrooster Peejay Curly Top JAA.
Ikatlong Pwesto (8 puntos bawat isa): Ricky Magtuto; Aurelio Yee & Raffy Turingan; Bonbon Aga; James Uy/Papa Bravo/Jun Jun Sy/Frederick Sy (pinagsamang entry);
Ikaapat na Pwesto (7.5 puntos): Capt. Vonn Mark Antenor & Boss Baroy Estoperes (pinagsamang entry).
Ikalimang Pwesto (7 puntos bawat isa): A. Ramos/E. Calivozo/E. Chua/J. Marasigan (pinagsamang entry); James Rabano; Gaddiel Malinay & Carlos Timbol; Engr. James Rabano (ikalawang entry); Engr. Emer Sumigad/SB; Carlo Arguelles/Aries Alvarez; Allan Villegas/Obet Bello; Walong beses na World Slasher Champ Frank Berin; Gon Zamora.
Ang ikalawang edisyon ng 2025 World Slasher 9-Cock Invitational Derby ay itinakda sa Mayo 20-26 sa Smart Araneta Coliseum.