๐“๐”๐‹ร‚ ๐“ร๐˜๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

Ang Tulรข Tรกyo 2026 ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulรข na naglalayong palaganapin ang talino at malikhaing pagpapahayag sa wikang Filipino. Layunin din nitong hikayatin ang maigting na partisipasyon ng mga makata mula sa ibaโ€™t ibang rehiyon ng bansa.
Bukas ang timpalak sa mga tulang dalรญt, diyรณna, at tanagร  na nakasulat sa wikang Filipino at pumapaksa sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026: โ€œBekรซt (Bigkis) Panitikan sa Katwiran at Kalikasan.
1. Paraan ng Pagsumite:
Ipo-post ang mga tulรข (dalรญt, diyรณna, o tanagร ) sa seksiyon ng komento at ilalagay rin sa Google Form link (na ilalabas pa lamang) na makikita sa nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulรข upang maging opisyal na lahok.
Iskedyul ng Pagtanggap ng Lahok:
Pebrero 23โ€“27, 2026 โ€“ Dalรญt
Marso 2โ€“6, 2026 โ€“ Diyรณna
Marso 9โ€“13, 2026 โ€“ Tanagร 
2. Pagiging Opisyal ng Lahok:
Magiging opisyal lamang ang lahok kapag naipasa ito sa Google Form link na matatagpuan sa opisyal na Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
3. Orihinalidad at Antas ng Wika:
Tanging mga orihinal na tulรข na nakasulat sa wikang Filipino at nasa antas tudlikan ang tatanggapin. Kailangang umayon ang paksa sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026.
4. Gantimpala:
Tatanggap ng โ‚ฑ1,000.00 ang unang sampung (10) magwawagi sa bawat anyo. Ipapaskil ang mga nanalong akda sa opisyal na website at social media ng KWF.
5. Pasiya ng Hurado:
Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado.
Facebook Comments