SAN JUAN CITY, PSC AT PFF, NAGLUNSAD NG FUTSAL PROGRAM PARA SA MGA KABATAANG SAN JUANEÑO

789446303_1703449894472749_4042093349619968016_n

SAN JUAN CITY — Pormal nang inilunsad ng San Juan City Government, Philippine Sports Commission (PSC), at Philippine Football Federation (PFF) ang San Juan City Futsal Development Program para sa mga kabataang San Juaneño.

Pinangunahan nina San Juan City Mayor Francis Zamora, kasama ang kanyang anak at Special Assistant to the Mayor na si Rocco Zamora, PSC Chairman Patrick Gregorio, at PFF President John Gutierrez ang paglulunsad ng programa noong Agosto 29 sa Barangay Tibagan Wooden Covered Basketball Court.

Layunin ng programa na ipakilala at mapaunlad ang futsal sa mga bata sa 21 barangay ng San Juan, bilang bahagi ng pagpapalawak ng grassroots sports development sa lungsod.

789301249_1703450724472666_7387309372121385186_n

789178451_1703450634472675_7826718590896223484_n

Sa ilalim ng programa, popondohan ng PSC ang mga aktibidad habang magbibigay naman ang PFF ng technical expertise, magsasanay sa mga lokal na coach, at mangangasiwa sa pagpapatupad ng programa sa unang isang taon.

Bilang bahagi ng paglulunsad, itinurn-over ng PSC sa San Juan City Government ang 120 futsal balls at 20 pares ng futsal goals. Popondohan din ng PSC ang Training of Trainers para sa mga lokal na coach na sasanayin ng mga coach ng PFF.

Kabilang din sa mga sumuporta sa programa si Rafael Merino Rodriguez, Head Coach at Technical Director ng Philippine National Futsal Team, na tutulong sa grassroots futsal development at coach education.

789890627_1703450224472716_291085625038961308_n

Agad namang isinagawa ang unang futsal clinic matapos ang seremonya, na nagsilbing simula ng regular na pagsasanay ng mga kabataang San Juaneño.

Dalawa hanggang tatlong beses kada linggo isasagawa ang training sa kani-kanilang barangay. Ang unang training cycle ay bubuuin ng 12 sessions, na susundan ng unang futsal league tournament.

Pagkatapos nito, magkakaroon muli ng 12-session training cycle at panibagong league tournament upang patuloy na malinang ang kakayahan ng mga batang manlalaro.

789559044_1703450494472689_3292578991340330489_n

789775846_1703450291139376_1550658554465770153_n

Inaasahang makatutulong ang programa sa paghubog ng mga batang atleta, pagpapaunlad ng lokal na coaching capabilities, pagtuklas ng mga potensyal na manlalaro, at paghikayat sa mas maraming kabataan na maging aktibo sa sports.

Bahagi ito ng patuloy na programa ng San Juan City na palawakin ang oportunidad sa grassroots sports at mabigyan ang mga kabataan ng mas organisadong paraan upang mapaunlad ang kanilang physical fitness, disiplina, teamwork at athletic skills.

789399136_1703450287806043_6054750818073791437_n

6df77011-8c07-4a41-985f-e125b6148f8e.jfif

Facebook Comments