MALALAKAS NA INSTITUSYON, SUSI SA PAGPAPAUNLAD NG KALUSUGAN, EDUKASYON AT EKONOMIYA

ebb63817-ed69-4471-a3c6-049c27cc1df2.jfif

QUEZON CITY — Binigyang-diin ng mga eksperto ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matatag na institusyon at pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang naging sentro ng talakayan sa pagsisimula ng 2026 Development Policy Research Month (DPRM) ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) nitong Martes, Setyembre 1, sa Novotel Manila Araneta City.

May temang “Building Strong Institutions, Unlocking Human Capital Potential,” tampok sa aktibidad ang paglulunsad ng 2026 DPRM Discussion Paper at ang Saliksik at Balita: PIDS 2026 Media Awards.

bb36f0d4-bee1-4a07-bd64-5db00777a53f.jfif

Ayon kay PIDS President Dr. Philip Arnold P. Tuano, mahalaga ang matatatag na institusyon upang matiyak na ang pamumuhunan sa mga tao ay nagbubunga ng tunay na pag-unlad.

Binigyang-diin naman ni Dr. John Paolo “JP” Rivera na hindi sapat ang dagdag na paggastos upang maresolba ang mga problema sa bansa. Mahalaga rin aniya na nakaayon ang mga patakaran at insentibo, gayundin ang pagkakaroon ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, pribadong sektor at iba pang stakeholders.

Para kay Dr. Valerie Gilbert Ulep, ang kalusugan at edukasyon ay maituturing na economic infrastructure dahil nakatutulong ang mga ito sa pagiging produktibo ng mga manggagawa at sa paglago ng ekonomiya.

791d1e8c-ddc3-4525-8a9c-240822dbcf84.jfif

Sa open forum, sinabi ni Dr. Michael Caampued ng Philippine Society for Public Health Physicians na hindi lamang dagdag na pondo ang kailangan sa sektor ng kalusugan. Mahalaga rin aniya ang mabuting pamamahala upang maramdaman ng mga ordinaryong mamamayan ang kalidad ng serbisyong publiko.

Iginiit naman ni UP Diliman professor Dr. Maria Victoria Raquiza na kailangang maging mahusay, may kakayahan at higit sa lahat ay may pananagutan ang mga institusyon ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Asian Institute of Management professor Dr. Dyna Avigail Basuil na may direktang ugnayan ang kalusugan at edukasyon sa ekonomiya, habang mahalaga rin ang sapat na sahod upang mahikayat ang mga manggagawa na maging mas produktibo.

c4e0d60b-6463-4653-8ba6-08003e76adb0 (1).jfif

36a4971b-0871-411d-91b7-85b94c6bd5a9.jfif

Sa huling bahagi ng aktibidad, kinilala sa Saliksik at Balita: PIDS 2026 Media Awards ang mga organisasyon at mamamahayag na tumutulong sa pagpapalaganap ng policy research at mga impormasyong nakabatay sa ebidensya sa mas nakararaming Pilipino.

793683ad-b5f5-44c9-8c22-06d7243584b4.jfif2dacec15-77f6-4171-92d9-9ff555db08bc (1).jfif

5103de89-0b02-4f89-9428-f43870b21670.jfif

662dbf76-c4d2-4fd8-80d7-2e40135dc3ce.jfif

Facebook Comments