SAN JUAN ‘HANDOG NG PANGULO,’ HATID ANG MAHIGIT 50 SERBISYO; DHSUD SEC. ALILING NAMAHAGI NG MGA TITULO NG LUPA

6d1e44c9-b8c1-4dc3-8d4b-9bbefb39161a.jfif

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” noong Lunes, Setyembre 14, na naghatid ng mahigit 50 serbisyo at programa mula sa national at local government agencies para sa mga San Juaneño.

Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora, kasama si Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon P. Aliling, ang aktibidad na bahagi ng nationwide Handog ng Pangulo bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

b56e1f63-bc8d-4205-b005-14eebc7dc13d.jfif

ae190481-a8cf-4a54-b8a7-51e9c5387e2d.jfif

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang sabay-sabay na pamamahagi ni Secretary Aliling ng mga titulo ng lupa sa mga benepisyaryo na nakumpleto na ang kanilang mga hulog para sa kanilang pabahay at lupa, bilang bahagi ng pagtulong ng pamahalaan na mabigyan sila ng seguridad sa kanilang pagmamay-ari.

b1acaba2-66b5-40ee-aed6-6e671d23cb9b.jfiff2ba4536-14a4-4ba8-82c0-

Kabilang naman sa iba pang serbisyong inilapit sa mga residente ang ₱2,000 financial assistance para sa 2,000 benepisyaryo, libreng bigas para sa 1,000 benepisyaryo, social pension para sa 3,412 senior citizens, ₱20 kada kilo na bigas, Kadiwa ng Pangulo at DTI Rolling Store.

Mayroon ding libreng medical at dental consultation, gamot, X-ray, iba’t ibang bakuna, HIV counseling at testing, PAP smear at cervical cancer screening, PhilHealth registration, family planning services at aplikasyon para sa San Juan Health Card.

Naglaan din ng mga serbisyo para sa trabaho, kabuhayan at skills training, kabilang ang job fair, OFW at skills registration at libreng pagsasanay sa electronic products assembly and servicing, welding, paggawa ng pet shampoo, chocolate molding at candle making.

1772cb0e-b8d0-4d9f-b971-8b0deff3ca58.jfif

Kasama rin ang libreng legal assistance, police clearance, civil registry services, pre-marriage counseling, gayundin ang tulong sa business at building permits, occupational permits, property assessment, environmental services at lending assistance.

Para sa social protection, inasikaso ang PWD at Solo Parent IDs, Right To Care Card, anti-drug referral services at City Complaint Desk.

 (3)

Nagbigay rin ng libreng spaying at neutering, anti-rabies vaccination at microchipping para sa mga alagang hayop.

Layunin ng Handog ng Pangulo na pag-isahin ang national at local government agencies upang maging mas madali, mabilis at accessible sa publiko ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.

f38d2bbf-3489-46be-897d-055ca9ef277d (1).jfif

Facebook Comments