KONSTRUKSYON NG METRO MANILA SUBWAY NAIA T3 STATION, SINIMULAN NA

797744805_1110718971626959_7308943280588901330_n.jfif

Sinimulan na ang konstruksyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Station at connecting tunnels ng Metro Manila Subway Project (MMSP), matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, Setyembre 16, 2026, ang groundbreaking ceremony para sa proyekto.

Ayon sa Pangulo, prayoridad ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng railway system upang mabawasan ang oras na ginugugol sa biyahe ng mga pasahero, negosyante at turista.

799561602_1088952250299454_4921368015308885269_n.jfif

812875217_1088254510354160_2080825772472108262_n.jfif

Tampok sa 2.413-kilometrong NAIA T3 Station and Tunnels, o Contract Package 109, ang paggamit ng Japanese engineering technology na tinatawag na underpinning, na magbibigay-daan upang masuportahan at mapanatili ang mga kasalukuyang poste ng expressway habang itinatayo ang subway tunnels sa ilalim nito.

Nakumpleto na rin ang 100 porsyento ng right-of-way para sa station area, mula sa Department of Public Works and Highways, Bases Conversion and Development Authority, Manila International Airport Authority, New NAIA Infra Corp., at Pasay City government.

Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, mahalagang hakbang ito para mapabilis ang konstruksyon ng NAIA T3 station at ng buong mass rail infrastructure. Target aniya na matapos ang buong MMSP sa huling quarter ng 2031.

794415127_1787288772613053_619701018082568223_n.jfif

808943198_1103217578719881_8588060647078000750_n.jfif

Binigyang-diin naman ni Chargé d’affaires a.i. ng Embassy of Japan na si Ono Osho na makatutulong ang proyekto sa pagpapadali ng access sa paliparan, pagbawas ng road congestion at pagpapaikli ng oras ng biyahe. Ayon naman kay Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, makatutulong ang istasyon upang maipakita ang Filipino hospitality kasabay ng pag-unlad ng bansa.

Kapag ganap nang operational ang buong subway line, inaasahang bababa sa humigit-kumulang 40 minuto ang biyahe mula Valenzuela City patungong NAIA Terminal 3, mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto.

813650401_2879906302408132_8509573254519174920_n.jfif

813407362_1072709312169209_7358761243608334931_n.jfif

Pinondohan ng Japan International Cooperation Agency o JICA, ang 33-kilometrong MMSP ay magkakaroon ng 17 istasyon. Tinatayang magsisilbi ang NAIA T3 station ng 70,000 pasahero kada araw pagsapit ng 2035, at humigit-kumulang 74,000 kada araw pagsapit ng 2045.

Ang pagsisimula ng konstruksyon ng NAIA T3 Station ay panibagong hakbang tungo sa pagkumpleto ng Metro Manila Subway at pagpapalakas ng koneksyon sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

 

796517603_1124368256824435_7239627516021369681_n.jfif

Facebook Comments