ARTA, 28 KATUWANG NA AHENSIYA, INILAPIT ANG SERBISYO SA MAMAMAYAN

102ad24a-e659-4ee9-a3c4-5d8178b95226.jfif

QUEZON CITY — Inilapit ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at 28 pampubliko at pribadong katuwang ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan sa pagbubukas ng Grand Ease of Doing Business (EODB) Fair 2026 sa SM North EDSA noong Oktubre 19.

Gaganapin hanggang Oktubre 20, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, ang fair sa ikaapat na palapag ng Annex Building ng mall upang mapadali ang pagkuha ng mga dokumento at iba pang serbisyo ng pamahalaan.

Pinangunahan ni ARTA Director General Secretary Ernesto V. Perez ang aktibidad, kasama si Deputy Director General Undersecretary Lea-Grace Salcedo at mga kinatawan ng mga ahensiya.

b8a2c92c-3c11-4571-9eb7-3bcee50f882b.jfifb5c796e9-8512-46ef-b0f3-91bb4f1fafa4.jfif

Kabilang sa mga kalahok ang Quezon City government, BIR, DFA, DMW, DTI, DSWD, DICT, PSA, LTO, GSIS, Pag-IBIG Fund, LandBank, PCSO, PhilHealth, SSS, TESDA at iba pang ahensiya ng pamahalaan, katuwang ang SM North EDSA at SM Communities.

Ayon kay Royston Cabunag, assistant vice president ng SM Communities, ikinagagalak ng SM Group ang pakikipagtulungan sa ARTA upang mailapit sa mga Pilipino ang mga serbisyong kailangan nila.

Nagpasalamat naman si Ma. Margarita “Margie” Mejia, pinuno ng Quezon City Business Permit and Licensing Department, sa ARTA at sa mga pambansang ahensiya. Binanggit niyang lumagda na rin ang kanilang tanggapan sa kasunduan sa Bureau of Fire Protection upang mapadali ang pagkuha ng mga dokumento nang hindi na kailangang magtungo sa City Hall.

14988893-9c3a-4c9b-ace6-511f5b24c579.jfif

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Perez na mula nang ilunsad ang Grand EODB Fair noong nakaraang taon, nakipagtulungan na ang ARTA sa 231 ahensiya ng pamahalaan sa buong bansa.

Binigyang-diin niyang nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mamamayan sa pamamagitan ng ARTA.

“Ang inyong gobyerno ay ginagawa ang lahat para mapalapit sa inyo ang serbisyo,” ani Perez.

e48023eb-669a-43d1-924e-8ea9bebe49dc.jfif

Umaasa rin siyang mahihikayat ng mas mabilis at maayos na proseso sa pagnenegosyo ang mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa bansa at lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. Hinimok niya ang publiko na patuloy na magtiwala sa pamahalaan at sa pagsisikap nitong maghatid ng de-kalidad na serbisyo.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagkaloob sina Perez at Salcedo ng mga certificate of appreciation sa mga katuwang na ahensiya, habang nag-turnover naman ang PCSO ng 1,000 medical kit sa ARTA.

Pormal na binuksan ang fair sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony.

65decee7-1a0b-4468-b06d-e27a48627bcc.jfif0038c934-d47d-45cd-8492-0ca2fc33e98d.jfif1cf8108d-9597-45c5-b558-da8a2fe102d6.jfifaf26ba6b-4d68-4f50-9e8c-12e1ad837b2e.jfif

Facebook Comments