MGA HALIGI NG KATOTOHANAN AT KATARUNGAN, PINARANGALAN SA UNANG VERITAS TRUTH AWARDS 2026

82a034e2-f720-41d8-a58b-31c2a5f3bdfd.jfif

QUEZON CITY – Pinarangalan ng Radio Veritas 846 ang mga indibidwal at institusyong nagsusulong ng katotohanan, katarungan at integridad sa unang Veritas Truth Awards 2026 na ginanap noong Nobyembre 21 sa Gonzalez Hall ng Claret School of Quezon City.

May temang “Standing Tall in a World of Shadows” at gabay na panawagang “Defeating Duplicity, Dispelling Darkness, Defending Truth,” layunin ng parangal na kilalanin ang mga taong nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang itinataguyod ng Ebanghelyo at responsableng pagkamamamayan.

0a346737-f63b-40c2-bd1c-1a1c5a1c377b.jfifb5282dac-7256-43bf-91be-5dd479dfa603.jfif

Ayon kay Rev. Fr. Roy M. Bellen, pangulo at punong ehekutibo ng Radio Veritas 846, hindi lamang simpleng pamamahagi ng tropeo ang layunin ng parangal kundi pagkilala sa mga ordinaryong Pilipinong pinipili at ipinagtatanggol ang katotohanan sa kabila ng mga pagsubok.

Binigyang-diin din niya na tungkulin ng media na tulungan ang publiko na makilala ang katotohanan at panatilihin itong buhay kahit hindi popular na ipahayag.

7b942a9d-e9fe-4742-b74d-6d9dfe638429.jfif6419aa50-dbba-4f6a-a66a-8aac54c15562.jfif

Kabilang sa mga pinarangalan sina Heidi Mendoza para sa Triumph of Integrity Award; Dr. Alfredo Mahar Francisco Amante Lagmay para sa Rays of Light in Darkness Award; Jessica Soho para sa Unwavering Voice of Conscience Award; Rev. Fr. Benigno Beltran para sa Testimony of Life Award; at Akbayan Party-list Rep. Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno para sa Heart for Justice and Truth Award.

abdee494-20e6-4da5-ba92-623f4d4e415d.jfif

Samantala, iginawad ang pinakamataas na parangal na Summum Veritatis Award sa Arnold Janssen Kalinga Foundation – Rev. Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva.

Kabilang sa lupon ng mga hurado sina Edwin Lopez, Rev. Fr. Roy Bellen, Atty. Domingo Reyes Jr., Dr. Nancy Felipe, Rev. Fr. Jerome Secillano at Atty. John Castriciones.

ef6427d1-aaaa-491d-9fee-b16de4c9e263.jfif

Binigyang-diin ng Radio Veritas na kinilala ang mga pinarangalan hindi dahil wala silang pagkukulang kundi dahil paulit-ulit nilang pinili ang katotohanan kaysa pansariling kapakinabangan, katarungan kaysa kaginhawahan, at kapakanan ng iba kaysa sariling interes.

Iniaalay din ang kanilang mga halimbawa sa kabataang Pilipino upang magsilbing inspirasyon sa pagpili ng katapatan, katapangan at integridad sa hinaharap.

252ecbe2-7240-4c71-b640-9ace9a6a8784.jfif

Facebook Comments