image

UMARANGKADA na ang MILO Little Olympics sa Laguna, na kung saan ito’y ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta Cruz ng nasabing lalawigan nitong nakaraang Agosto 28 – 30, 2015. Ang nasabing palaro ay dinaluhan ng pampubliko at pribadong paaralan mula sa National  Capital Region (NCR), karatig bayan, partikular sa lalawigan ng Laguna.

Sa pagbubukas at seremonya ng nasabing okasyon, nagbigay ng mensahe at welcome address ang Gobernador ng lalawigan na si Gov. Ramil L. Hernandez, na nagpasalamat sa mga nakilahok, naki-isa at dumalo sa  nasabing Olympics. Espesyal na pinasalamatan ng Gobernador ang pamunuan ng MILO Phil., na ang kanilang lalawigan ang isa sa napiling  pagdausan ng National MILO Little Olympics ngayong taong 2015.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang Senior Vice President ng Nestle Philippines Inc. na si Ms. Sherilla Bayona na nagbigay din ng mensahe at pasasalamat. Si Rev. FR. Michael V. Brosas, Chapel Coordinator, SEQP naman ang nanguna sa Invocation.

Sa Lighting of torch & MILO Little Olympics Friendship Flame si Dominic Ramirez at Joseph Borce ng Mayamot National High School ng Antipolo Rizal ang gumanap sa nasabing papel. Sa Sportmanship si Mark Joshua Legaspi naman ang nagbigay ng pananalita. At sa pag-uumpisa at  pormal na pagdedeklara ng MILO Little Olympics sa Laguna, ito ay ipinahayag ni Governor Ramil L. Hernandez Province of Laguna.

Samantala, katuwang ng  MILO Philippines ang Timex, Bayview Park Hotel Manila, ASICS, Lenovo, Manila Bulletin at Gatorade, sa suporta ng Department of Education, Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee. (Photo by: Jimmy Camba) (click the photo below to enlarge)

imageimageimageimageimageimageimageimageimageimage