May kabuuang P6.7- Milyong Pisong halaga ang natapos ng proyektong pang-imprastraktura ng Department of Agrarian Reform o DAR ang pinakikinabangan na ngayon ng mga magsasaka at mga residente sa bayan ng Cabugao sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Sa isinagawang turned-over ceremony, sinabi ni DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer o PARPO Christianne Suguitan, ang 1.3- kilometrong farm-to-market road na nag-uugnay ngayon sa mga barangay ng Catucdaan, Sisim, Alinaay at Caellayan sa naturang bayan ay nagkakahalaga ng P6.2- Milyong Piso.
Kabilang rin sa proyekto ang muling inayos na may halagang P200.00.00- Libong Pisong 62- metrong tawirang tulay sa Barangay Carusipan sa nasabi pa ring bayan.
Sinabi pa ni PARPO Suguitan na mas mura at mabilis na umano na nilang naibabeyahe ngayon ang kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihan kumpara nuong wala pa ang proyekto.
Kasama rin sa proyekto ang ibinahaging P400,000.00 na apat na yunit na water pump sa Barangay Reppaac, Caellayan, Bato at Nagsantaan.
Ang naturang proyekto ay ipinatupad ng DAR mula sa Grassroots Participatory Budgeting ng Pamahalaan. (jnormt)