May kabuuang 119.24- ektaryang taniman ng tubo na dating pagmamay-ari ng Victorias Milling Company ang pormal ng napasakamay ngayon ng may 78 magsasakang benepisyaryo sa Victorias City sa lalawigan ng Negros Occidental mula sa Department of Agrarian Reform o DAR.

Ayon kay DAR Regional Director Alejandro Otacan, ang pagkuha ng DAR sa naturang tubuan ay base sa sapilitang arbitrasyon na nagpatigil sa isang dekadang pakikibaka ng mga magsasakang benepisyaryo sa mga barangay ng XV, XV-A at XVIII-A sa naturang siyudad.

Maluha-luhang pinasalamatan naman ni Florencia Workers Association President Ramon Lavides, Sr., na isa rin sa mga tumanggap ng lupa ang DAR at ang Damayan ng mga Manggagawa, Mangingisda at Magsasaka sa pagtulong sa kanila upang makamit ang lupa.(jnormt)