Proyekto laban sa gutom at kahirapan sa bansa, itinutulak ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR),sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development  (DSWD), at ng Department of Agriculture (DA), kasama ang lokal na pamahalaan ng San Miguel, Molave, Midsalip at lungsod ng Pagadian sa Zamboanga del Sur.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer 2 (PARPO 2) Arturo Soria, apatnaput-dalawang mga opisyal at kinatawan ng naturang mga ahensiya ang naatasang magpatupad ng proyekto, sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHAP) ng pamahalaan.

Ang DSWD at DepEd ang mangangasiwa sa mga Local Day Care Centers (LDCC) sa lugar. Tututukan naman ng DAR, DA at DSWD ang pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda at nag-aalaga ng hayop.

Sinabi pa ni PARPO 2 Soria na kaagapay rin sa nasabing programa ang pamahalaan ng Brazil sa pamamagitan ng Zero Hunger Program (ZHP), sa ilalim ng Center for Excellence Against Poverty (CEAP) nito.

Ayon pa kay PARPO 2 Soria, kabilang din sa mga tutulong na malalaking grupo ay ang  Food and Agriculture Organizations(FAO), World Food Program (WFP) at ang Asian Development Bank (ADB).(jnormt)