10982848_10152706244577321_3845718529519759896_n

Pinasinayaan at binasbasan ni Father Francis ang bagong Main Campus ng ELECTRON Technical Vocational Training School, na matatagpuan sa 664 Quirino Hi-way Bagbag, Novaliches, Quezon City nitong nakaraang March 8, 2015.

Naging panauhin sa nasabing okasyon sina Cong. Kit Belmonte, Cong Alfred Vargas, Coun. Roger Juan, Coun. Karl Castelo, Chairman Dong Pascual, at  iba pang Brgy. Chairman at opisyal partukular sa mga karatig na Barangay sa nabangit na lugar ng Q. C..

Ayon sa mag asawang Dr. Dennis V. Solis at Dra Lea G Solis may ari ng nasabing Paaralan, nagsimula ang kanilang negosyo sa nasabing lugar na halos isang maliit na gusali lamang labing dawangpung taon (12 taon) na ang nakakaraan. Sa ngayon ito ay umaabot na sa sampung branches kasama na ang Main Office na kung saan ito ay pinalakihan, tinaasan ng ilang palapag at binago sa ngayon.

Ipinagmamalaki ng mag asawang Solis ang kanilang paaralan, dahil bukod sa accredited ito ng TESDA, ang  kalidad at husay ng mga guro sa pagtututro ay talagang subok na, at ang mga kagamitan ay halos advance sa teknolohiya. Halos lahat ng mga pasilidad at silid aralan ay airconditioned; at higit sa lahat, mababa ang tuition Fee.

Ang ELECTRON ay magkakaroon na rin ng apat (4) na taong Kurso sa pagbubukas sa klase sa taong ito: Isa na rito ang BS IN TECHNICAL TEACHERS EDUCATION (8 MAJORS), BS IN TOURISM MANAGEMENT  at BS IN INFORMATION SYSTEM.

Sa dalawang (2) taong kurso: COMPUTER TECHNOLOGY, ELECTRONICS TECHNOLOGY, AUTOMOTIVE TECHNOLOGY, ELECTRICAL TECHNOLOGY, REF AND AIRCON TECHNOLOGY, DRAFTING TECHNOLOGY, BUSENESS TECHNOLOGY, WELDING TECHNOLOGY, GARMENTS TECHNOLOGY, INFORMATION SYSTEM TECHNOLOGY, HOSPITALITY AND RESTAURANT SERVICES AT SECRETARIAL AND ACCOUNTING TECHNOLOGY.

Sa limang (5) buwan na kurso: ENGLISH PROFICIENCY, BOOK KEEPING NCIII, HAIR DRESSING NCII,  PROGRAMMING NCIV, SMAW WELDING NCII, REF AND AIRCON SERVICING, ELECTRICAL INSTALLATION, FINISHING COURSE FOR CALL CENTER AGENT,COMPUTER HARDWARE SERVICING NCII, CONSUMER ELECTRONICS SERVICING, HOUSE KEEPING NCII, FOOD AND BEVARAGES NCII, MASSAGE TERAPHY NCII, DRESSMAKING NCII, TECHNICAL DRAFTING NCII, VISUAL GRAPICS NCII.

Para sa TAGALOG at Actual Study, Labing limang araw (15 araw): ELECTRONICS TECHNICIAN, GAS DIESEL MECHANICS, PRACTICAL ELECTRICITY (electrical installation and maintenance),  COMPUTER SCIENCE/SECRETARIAL, REF AND AIRCON TECHNICIAN.

Sampung araw (10 araw)na pag-aaral: CELPHONE TECHNICIAN, AUTO CAD, INDUSTRIAL ELECTRICITY, MASSAGE THERAPY, BOOKKEEPING, PROGRAMMING, HAIRDRESSING, FOOD AND BEVERAGES, FINISHING COURSE FOR CALL CENTER, DRIVING WITH TROUBLESHOOTING, ENGLISH PROFICIENCY, PHOTOSHOP/ GRAPHIC ARTS, MOTORCYCLE MECHANICS, WELDING (SMAW), BARTENDING, DRESSMAKING, BEAUTY CARE, COMPUTER TECHNICIAN AND HOUSEKEEPING.

At sa para sa pitong araw (7 araw) LAPTOP REPAIR, ADVANCE ELECTRONICS,  WEB DESIGN, CCTV TECHNICIAN. May iniaalok din na TMCI-Trainers Methodology Course for Traner and Assessor.

Ang Schedule ng Klase:  Sa Umaga 8:00 –12nn; Hapon 1:00-5pm; Gabi 5:30- 9:30. SUNDAY SATURDAY, TUESDAY AND THURSDAY, MONDAY WEDNESDAY & FRIDAY CLASS.

ANG SEMESTRAL COURSE AY UMAABOT SA HALAGANG P4990, AT ANG MGA SHORT COURSES NAMAN AY NAGKAKAHALAGA LAMANG NG P4370. At ito ay walang Age limit.