11071148_790041324399683_463496991315595927_n

ANG Medical Advisory Board (MAB) ng Health and Lifestyle(H&L) Magazine, na kumakatawan ng mga kinikilala sa larangan ng medisina, at ang kanyang editorial staff, ay kinilala ang 2nd batch ng Healthy Lifestyle Exemplar nitong nakaraang miyerkules, March 11, 2015, na ginanap sa One Esplanade, Pasay City.    

Tumangap ng parangal ang mga natatanging grupo at indibidual na kinabibilangan ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), ang Philippine Center for Diabetes Education Foundation (PCDEF), Inc., si Dra. Melecia A. Velmonte, propesor ng College of Medicine sa UP Manila,  at si Engr. Emerito L. Rojas, NVAP, Founding Chairman and President.

Bukod sa mga Exemplar Awards ang Panel of Judges mula sa H&L MAB ay nagbigay din ng Plaque of Recommendation Award  sa apat na iba pa, para sa kanilang mga health care-related activities. Ito ay sina Dra. Ida M. Tiongco, Ifugao’s Health Champion; Dr. Teofredo T. Esquerra, “Everest Doctor”; ang Unilab Active Health para sa kanilang active lifestyle programs; at ang College of Dentistry-University of the Pilippines Manila para sa kanilang oral health campaign.

Sa nakalipas na anim na dekada, ang DOST-FNRI ay nakapagbigay na ng maraming impormasyon at aral ukol sa Food and Nutrition. Ano ba ang isang healthy diet? Anu-ano ba ang mga lifestyle diseases na may koneksyon sa ating nutrisyon? Ito ang mga halimbawa na binigyan ng puna ng DOST-FNRI upang mabigyan tayo ng mas malawak na kaalaman. Tinalakay din nila ang mga paksa ng obesity, hypertension, diabetes, at iba pang lifestyle-related disease at nagsagawa rin sila ng iba’t ibang pananaliksik at programa ukol sa malnutrition.

Ang PCDEF, na itinatag noong Oct. 2, 1990, ay isa sa mga nagsusulong ng healthy lifestyle para maiwasan ang mga komplikasyon na idinudulot ng Diabetes Mellitus.

Bilang isang cancer survivor, si Engr. Emerito L. Rojas, na founder at president ng New Vois Association of the Philippines, ay sinisiguro na ang kanyang “boses” hinggil sa tobacco-related health issues ay marinig at mabigyang pansin. Isang dating chain smoker, na sa murang edad ay nalulon sa  paninigarilyo, siya ngayon ay lumalaban sa nasabing bisyo. Labing tatlong taon na ang nakalipas matapos na siya ay maoperahan at matanggalan ng cancerous vocal chords, at hanggang sa ngayon, siya ay nakakapagsalita lamang sa pamamagitan ng artificial mechanical larynx. Ito ay isang battery operated device, na itinatapat sa kanyang lalamunan para makapagsalita. Si Engr. Emer Rojas na kung saan sa ngayon ay nagbibigay ng pag-asa at tapang sa kanyang mga meyembro sa NVAP kasama na ang mga PWD’S.  Siya ay  isang electrical engineer at dating broadcaster. Ngayon ay ini-aalay niya ang kanyang buhay laban sa paninigarilio at ang vision ay maging smoke free ang Filipinas.