ASAHAN na ang pakikiisa ng sambayanang Filipino sa taunang marathon ng bayan, ang National MILO Marathon na nasa ika-39 na taon.
Starting now, MILO opens a news way to get to the world of #Champion secret.
Sa nakalipas na taon 2014, pinangunahan ng number one beverage brand MILO sa pamamahala nina Coach Rio dela Cruz, National MILO Marathon Race Organizer; Sherilla Bayona, Nestle Philippines Beverages Unit, Business Executive Manager; Robbie de Vera, MILO Sports Marketing Executive; at Andrew Neri, MILO Sports Marketing Manager ang media launch na ginanap sa Bayview Hotel, Manila.
Sa nakaraang 38th NMM at ika-50 taong anibersaryo ng MILO (Energy to Build Champions), kaisa ang Department of Education (DepEd) na bumuo ng pambansang kampeon sa pamamagitan ng mga kabataan at tagapagturo na maging aktibo sa larangan ng sports at may maayos at tamang nutrisyon.
Base sa 2011 Updating of Nutritional Status of Filipino Children, sa pamamahala ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), sa interactive technology, ang mga kabataan ay kulang sa physical activities para sa mabuti at maayos na pamumuhay. Bukod pa rito, marami sa mamamayan ay kulang sa tamang sustansiya ang kinakain tungo sa magandang kabuhayan.
“One Child, One Sport is a program that encourages children to get into an active and healthy lifestyle and eventually lead them to sports,” sabi ni Nestle Philippines Beverages Business Executive Manager Sherilla Bayona.
Kasama sa programang One Child, One Sport ang National MILO Marathon, kung saan kaisa ang DepEd sa short distance race categories at ang “Help Give Shoes” Advocacy.
Sa 38th Season National MILO Marathon, buong Pilipinas ay nakitakbo mula sa mga professional athletes hanggang sa mga aspiring runners ng 3-K at 5-K distances para sa mga young sprinters na makamit ang division winners.
Ngayong taon ang NMM ay may 18-Leg event na sisimulan sa Dagupan City sa June 28, para sa 1st leg Marathon; 2nd Leg sa July 5, Baguio City; 3rd Leg sa July 12, Tarlac; 4th Leg, July 19, Balanga, Bataan; 5th Leg, July 26, Metro Manila; 6th Leg, Agosto 2, Calapan; 7th Leg, Agosto 9, Lipa City; 8th Leg, Agosto 16, Naga; at 9th Leg sa Agosto 30 sa Lucena.
Gaganapin ang 10th Leg sa Setyembre 20, Iloilo; 11th Leg sa Setyembre 27, Bacolod; 12th Leg sa Oktubre 4, Tagbilaran; 13th Leg sa Oktubre 11, Cebu; 14th Leg sa Oktubre 18, General Santos City; 15th Leg sa Nobyembre 8, Davao; 16th Leg sa Nobyembre 15, Butuan; 17th Leg sa Nobyembre 22, Cagayan de Oro; at 18th Leg, National Finals ay sa Disyembre 6, Angeles City.
Matatandaang, tagumpay ang 38th National MILO Marathon dahil sa pagsali ng mga Filipino sa marathon, katuwang ang mga sumusunod: Timex, Bayview Park Hotel Manila, ASICS, Lenovo, Manila Bulletin at Gatorade, sa suporta ng Department of Education, Philippine Sports Commission and the Philippine Olympic Committee.
Sa mga local runner na gustong malaman ang iba pang detalye tungkol sa MILO Philippines, log on to (http://www.milo.com.ph) or the MILO Philippines Facebook page (https://www.facebook.com/milo.ph). Follow MILO on Twitter (@MiloPH) and Instagram (@MiloPhilippines).
Ang NMM ay annual marathon event para sa amateur at professional runners. Nagsimulang umarangkada noong 1974 bilang single marathon race sa Metro Manila na may 747 participants.
Ang National MILO Marathon ay aprubado ng Association of International Marathons (AIMS) at International Association of Athletics Federations (IAAF), ang marathon ay inorganisa ng RunRio, Inc.
Mula sa kumpanyang Nestle Philippines, Inc. (NPI) ang MILO brand na tinatangkilik ng mamamamayang Filipino sa loob ng mahigit isandaang taon, kung saan may 3,200 men and women employees sa buong Pinas at isa sa Top 10 Corporations ng bansa.
Goodluck to our Filipino runners! We salute all Filipino athletes!