Ang FILIPINO-CHINESE GENERAL CHAMBER OF COMMERCE, INC. (FCGCCI) kasama ang PHILIPPINE CHINESE CHARITABLE ASSOCIATION INC.(PCCAI), na may-ari ng CHINESE GENERAL HOSPITAL and MEDICAL CENTER (CGHMC) ay nagsagawa ng sabay na okasyon, ito ay ang Induction ng 2015 –2017 sets of Officers ng Filipino Chinese General Chamber of Commerce Inc. (FCGCCI) at ang Launching ng Commemorative Stamp bilang paggalang sa ika-40th Anniversary ng Diplomatic Relations ng Bansang Pilipinas at China.
Ang selebrasyon ay ginanap nitong nakaraang July 22, 2015 sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel, One Rizal Park Manila ganap na ika-pito ng gabi.
Naging pangunahing pandangal at tagapagsalita si Zhao Jianhua, Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary ng People’s Republic of China sa bansang Pilipinas.
Sa Welcome remarks, si Pres. Antonio Tan ang nagsalita at sa Introduction of guests at presidential table ay si Vice President Peter See naman. Kasunod nito ang mensahe ni Former President/Mayor City of Manila Joseph Estrada. Ang mga Inspirational messages ay inihatid nina Former First Lady/Congresswoman Imelda R. Marcos at Chairman Emeritus Dr. James G. Dy, na siya ding nag present ng mga Plaques sa Inducting Officer.
Nagbigay din ng mensahe si Chairman Dr. Benito Goyokpin. Si Honorary President Florante Dy ang nagpakilala sa Guest of Honor & Keynote Speaker na si Ambassador Zhao Jian Hua of The People’s Republic of China. Nagbigay din ng mensahe ang Department of Foreign Affairs sa katauhan ni Asec. Minda Calaguian-Cruz. Ang huling nabigay ng mensahe ay si Hon. Ma. Josefina M. De La Cruz, Postmaster General and CEO, Philippine Postal Corporation.
New set of officers For the Year 2015 – 2017, Dr Hilda C. Ong, the 1st & only Lady Directress of Filipino-Chinese General Chamber of Commerce, Inc.