by Precy Lazaro
NAPAKALAWAK na ng Knights of Columbus sa ating bansa na may 336,000 ng kasapi. Ito ay ayon kay Justice Jose C. Reyes, Luzon North Deputy, nang siya ay maging Guest Speaker sa nakaraang 25th anniversary ng KC Council 10695, Parish of the Holy Cross sa Brgy. Gen. T. de Leon Valenzuela City. Ano nga ba ang mapapala ng isang lalaking Katoliko kung sasapi dito? Isa din ito sa binigyang diin ni Judge Reyes sa kanyang mensahe.
Nakasaad sa “ A Glimpse, The life and works of Father George J. Willman, S.J. Centennial Book 1997, “ page 26 na nuong Agosto 1, 1958 ang KC Fraternal Association of the Philippines ay na incorporated at narehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC). Dagdag pa na “ Although merely a business affiliate and not a part of KC-Phl, the insurance association was granted permission to use the name “Knights of Columbus” by the Supreme Council, “since the entity would provide fraternal insurance to the member in a country where it had a problem introducing their insurance system.” September 9, 1958 ang KCFAPI ay nakamit ang lisensya mula sa Office of the Insurance Commissioner na nagkaroon na ito ng operasyon. My inisyal itong kapital na 32,000 pesos represented the total contributions of 64 founder members, at 500 pesos per contributor.
Lahat ng ginagawa ng KC ay pagpapakita ng pagmamahal lalo na sa asawa at mga anak. Ito ay isang art of charity, born because of charity ayon pa kay Justice Reyes. Marami daw silang charitable works at ang insurance ng pamilya ay isa na dito kung kaya hinamon niya ang mga kasaping wala pa nito na kinabukasan ng okasyong iyon ay iinsure na ang kanilang pamilya. Dagdag pa niya ang paghanga sa KC 10695 sa mga nakaraang proyekto lalo na sa kapakanan ng kababaihan. Mahalaga din daw ang “attraction” na dapat ay taglay ng isang kasapi. Maalwang buhay, kapita-pitaganang padre de pamilya, ulirang kabataan, matulungin sa kapwa lalo na sa mahihirap at ang umaapaw na pananampalataya sa Panginoon ay isa lamang ang mga ito sa “attraction” na dapat taglay ng isang kasapi. Daan upang mas yumabong ang samahan na lalong maipagpatuloy ang mga prisipyo ng KC na umaapaw sa Charity, Unity, Fraternity and Patriotism.
Kaugnay nito, sa idinaos na anibersaryo ng KC 10695 nuong Agosto 15, 2015 na may temang “Paggunita sa Nakaraan at Pananalig sa Kinabukasan” ay isang Banal na Misa ang pinangunahan ni Rev. Fr. Jose Arturo C. Batac. Ang Installation of Elected Officers and Oath taking ceremony of Service Program Personnel ay naganap mismo sa harap ng altar ng Parokya ng Banal na Krus. Ang installing officer ay si SK Jesus P. Cui, District M-31 Deputy na inasitehan ni SK Anselmo P. Castro. (PGK) District Warden M-31 lakip ang mahalagang basbas ni Fr. Batac.
Sumentro sa ikalawang parte ng anibersaryo ang “Turnover of Leadership” nila Outgoing Grand Knight SK Cesar S. Divinagracia at Incoming Grand Knight SK Ronaldo U. Antonio. Bago pa man ito ay ang mensaheng pagtanggap sa lahat ng dumalo, hatid ni DGK Hermogenes C. Gadia, Deputy GK. Sinundan ng pagpapakilala ni SK Nazareno C. Cunanan , Worthy Advocate sa mga panauhin lalo na kay Fr. Batac na naghandog ng spiritual message. Valedictory address at presentation of awards naman ang ipinagkaloob ni Immediate Past GK Divinagracia. Inaugural message ang dulot ni Worthy GK Antonio at mensaheng puno ng inspirasyon ang alay ni SK Pascul C. Carbero,ng Luzon North State Secretary. Ang presentation of certificate for charter members and past GK ay hatid ni GK Antonio samantalang mensaheng pagtatapos ay kaloob ni SK Joven P. Dy, Luzon North State Auditor.
Nagpakitang gilas din sa kanilang kagalingan sa pagkanta ang The Singing Brother Knights samantalang sa pag sayaw ay ang Knights Riders. Sila SK Cunanan at Bro. Rodel U. Antonio ang naging mga Master of Ceremonies nang gabing iyon na nagtapos sa isang masayang fellowship. (Photo by Jimmy Camba)