image

Ginunita ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang ika-24 taong  anibersaryo nitong nakaraang Agosto 19, 2015 na ginanap sa Sulo Riviera Hotel sa lungsod ng Quezon. Naging panauhing tagapagsalita sina Diwa C. Guinigundo, Deputy Governor, Monitory Stability Sector ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Isagani R. Cruz,  Pangulo ng Manila Times College.

Binigkas ni Purificacion G. Delima, Full-time komisyoner para sa Programa at Proyekto ang pambungad na pananalita. Kasunod nito ang pagpapakilala ni Roberto T. Añonuevo, Direktor Heneral ng KWF sa unang panauhing tagapagsalita na si Isagani R. Cruz. Si Benjamin Mendillo Jr., Puno ng Sangay ng Salin naman ang nagpakilala sa ikalawang Panauhing tagapagslita na si Diwa C. Guinigundo.

Kasabay nito ang pagbibigay ng parangal para sa KWF Gawad sa sanaysay. Ang unang gantimpala ay nasungkit ni  Mark Anthony Angeles, ang pangalawang ay napunta kay Bayani Santos JR., at ang pangatlong gantimpala ay pinagwagian naman ni Dorothy Javier. Ginawaran naman ng parangal ng KWF ang mga natatanging ulirang guro ng Filipino sa NCR, sa pangunguna ni Oliver B. Borromeo ng Makati Science High School, Geraldo B. Jumawan ng Lagro High School, Robert B. Lacayanga ng Nueve de Febrero Elementary School, at Emma Urika A. Sabado ng San Antonio National High School. Ginawaran din ng Parangal ang kampeon ng wika na sina, Gloria Alday, Rosa Maria Magno, at Noel Cabangon. Kasama ring  ginawaran ng parangal sina Leonida B.Villanueva at Florentino T. Timbreza para sa Dangal ng Wika.

Sa bandang huli, nagbigay ng tugon si Mark Anthony Angeles, unang nagwagi sa Gawad KWF sa Sanaysay at ang dalawa pang nagwagi sa Dangal ng Wikang Filipino na sina Leonida B. Villanuevan at Florentino T. Timbreza. (Click photos below to enlarge)

imageimageimageimageimageimageimageimageimageimage