image

Bacolod City, Philippines, 27 September 2015 –Isang  Philippine Navy na si Rene Herrera at ang full time runner na si Jennylyn Nobleza ang nanguna sa ginanap na 39th National MILO Marathon sa Bacolod nitong nakaraang linggo. Isa sa pinaka-prestiheyosong footrace sa bansa, na kung saan ito’y dinaluhan ng halos 10,400 na runners na nagsimula sa festive streets sa City of Smiles.

Si Herrera at Nobleza ay nag uwi ng tig sampung libong pisong papremyo na may kasamang tropeo. Sila ay makakasama na sa gaganaping National MILO Marathon Finals na gaganapin sa  Angeles City sa Darating na  December 6, na kung saan makakatungali nila ang mga magagaling na runners sa bansa, at dito malalaman kung sino talaga ang may karapatang mag uwi ng MILO Marathon King and Queen titles. At sa taong ito ang King at Queen ay muling haharap sa isa pang prestiheyosong kompetisyon dahil sa sila ay ipapadala ng MILO sa USA para magkaroon ng tsansa na tumakbo sa 2016 Boston Marathon, na kung saan lahat ng gastos ay libre kasama na ang round trip.

Ginamit ni Nobleza ang kanyang karanasan at sa ilang ulit na pagsali sa MILO Marathon, para pangunahan ang  21K centerpiece event sa  men’s division sa oras na 01:14:12. Kasunod nitong nagwagi ay si Maclin Sadia (01:15:04) bilang  second place at si Jason Agravante (01:16:41) para naman sa third place.

Si Herrera ay dating SEA Games gold medalist, representante ng Filipinas taong 2012 sa London Olympics. High school pa lamang si Herrera nang magsimulang sumali sa mga Kompetisyon. Taong 1996 nung siya ay lumahok sa MILO Marathon. Noong 2001, ang  36-anyos na si Herrera, tubong Guimaras, ay nanalo ng first place sa 42K event ng MILO Marathon Manila leg. Naging assistant coach din siya ni Coach Jim Saret sa MILO R2-APEX Running Clinics nitong nakaraang taon, at tumutulong siya sa kapwa niya runners para paghandaan ang marathons. “Sa pagiging assistant coach sa MILO R2 running clinics, dito lalo kong na-improve ang aking performance sa pagtakbo”. Ayon pa kay Herrera, “Sa ngayon, gagamitin ko ang lahat ng tecniques na natutunan ko sa MILO R2 running clinics, para sa paghahanda sa nalalapit na MILO Marathon Finals.”

Si Herrera ay nakapagtala 01:34:23 oras na kung saan naungusan niya ang kanyang katunggali na pumangalawa sa kanya  na si Stephanie Cadosale (01:38:15) at pumagatlo si Helen Ison sa oras na(01:46:32).

Ang 28-anyos na si Nobleza ay tubong Negros Occidental at “pajogging-jogging lang pag may time” kasama ang kanyang kaibigan. Ito ang nagudyok sa kanya sumali sa Marathon, dahil magaling siya at may potensyal, aniya ng kanyang kaibigan. Taong 2014 nang nanalo siya ng second place sa 42k race na ginanap sa Manila leg ang MILO Marathon. Bagamat hindi siya nanalo sa finals pinag-igi niya ang ensayo. Ngayong taon, determinado siyang manalo, kung kaya mas pinag-hahandaan niya talagang mabuti ang grand final sa  darating na December 6. “I feel like I’ve lost a chance to prove myself, since I didn’t join the finals last year,” sabi ni Nobleza. “Hopefully, with the right training and focus, I will able to secure a good finish.”

Magre-resume ang Marathon sa Tagbilaran (October 4), Cebu (October 11), General Santos (October 18), Davao (November 8), Butuan (November 15), at sa Cagayan De Oro (November 22). Ang National Finals ay gaganapin sa December 6, sa Angeles, Pampanga. (click photo below to enlarge)

imageimageimage