Isinagawa ang Press Conference ng MONSANTO Phils. nitong nakaraang Nobyembre 25, 2015 sa isang Restaurant sa Quezon City, na kung saan ito ay dinaluhan ni Charina Garrido-Ocampo, Corporate Affairs Lead Monsanto Philippines, Inc. at ang naging bisita ay isang experto sa Bioteknolohiya na si policy and scientific affairs director for Asia Dr. Harvey Glick.
Umapila si Glick ng suporta sa publiko na suportahan ang bioteknolohiya at ang genetically modified (GM) na pamamaraan ng pagsasaka sa bansa, dahil ito umano ang magpapataas ng ani, magpapataas ng kita at magpapababa naman sa paggamit ng pestesidyo.
Ayon kay Glick, sa pag-aaral na isinagawa nitong nakaraang taong 2014, ang paggamit umano ng bioteknolohiya ay nagresulta sa pagbaba ng 37% sa paggamit ng pestesidyo, 22% ang itinaas ng ani ng mga magsasaka at 68% naman ang itinaas sa kita nito.
“The challenges of food security in the ASEAN are very clear: The population is growing and the demand for food is growing very quickly… Farmers are requesting scientists to develop high-yielding crop hybrids that are also resistant to weeds, insect pests and stress such as drought, in order to conserve on resources,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Glick, na ang Filipinas ang kaunaunahang bansa sa Asia, na pinayagan ang mga magsasaka na gumamit ng conventional o kaya hybrid corn seeds na nagresulta para tumaas ang ani at kumita ng malaki. Hindi naman ito sinasang-ayunan ng ibang LGU’s na patuloy pa ring kumukontra sa paggamit ng GM seeds.
Magugunitang ang MONSANTO Phils. ang nag-introduce sa kauna-unahang genetically-enhanced hybrid corn sa bansa na may bacillus thuringensis na tumutulong para ma control ang mga corn boarer desease na pumipinsala sa mga pananim.
Nagsagawa rin ng survey ang mga experto sa larangan ng Bioteknolohiya sa mga consumer na Scientists, masasaka, ekonomista at iba pang experto para makakuha ng kasagutan hingil sa mga nangungunang katanungan tungkol sa GMOs. Ito ang halimbawa ng mga katanungan: ang GMOS ba ang sanhi ng Cancer, Allergy at iba pang sakit sa katawan at balat? Ang malalaking kumpanya ba na nagbebenta ng seeds ay pinipilit ang mga magsasaka na gumamit ng GMOs? Ang GMOs ba ay nagpapataas sa presyo ng mga pagkain sa merkado.
Nabigyan naman ng tamang kasagutan ng mga experto sa Bioteknolohiya ang mga tanong na ito. Sinabi ni Glick: “None of these GM crops are allowed to put into the market until they had extensive safety testing. Safe for humans, safe for animals and safe for the environment. The regulatory system in the Philippines is very strict, very tough and science based. If it gets approved by regulators, people should have confidence. Just because it is available in the Philippines, a farmer does not have to buy it. He has a choice to buy regular (seeds) or GM. Let the farmer decide what works best on his farm but don’t restrict things just because of politics or ideology. If it is safe put it into the market and let the farmer decide.” (Photo by: Jimmy Camba)(click photo below to enlarge)