image

Mahigit 330 pensyonado ng Social Security System (SSS) ang nagtipon-tipon sa Hospicio de San Jose Auditorium sa Maynila upang ipagdiwang ang taunang Pensioners’ Day na inorganisa ng SSS Recto, Legarda at Sta. Mesa branches noong Nobyembre 12. Ang SSS Pensioners’ Day ay regular na isinasagawa ng state-run agency sa buong bansa bilang pagkilala sa tulong na naibigay ng mga pensyonado sa pag-unlad ng SSS.

Isang grupo ng SSS doctors, nurses at pharmacists ang nagsagawa ng libreng konsultasyon, namigay ng libreng gamot at iba pang medical services gaya ng blood pressure check-ups (kaliwang larawan). Tumanggap din ang mga SSS pensioners ng payong at damit bilang alaala sa kanilang pagdalo. Isang musical group na tinatawag na “The Thunders Band”, na kinabibilangan ng mga SSS pensioners na dating nagtrabaho sa cruise ship, ang naghandog ng ilang sikat na awitin noong kabataan nila. Isa pang importanteng kaganapan (kanan larawan) ang pagdalo ni “Lola Nena” Javier, 94 anyos na residente ng Hospicio de San Jose at ang pinakamatandang pensyonado sa nasabing pagtitipon na ipinapakitang kinakausap ni SSS San Mateo Branch Head Marichi S. Trinidad tungkol sa kanyang personal na karanasan bilang miyembro ng SSS.(SSS Media Affairs Department)