image

Pagbasura sa BBL!

Nanawagan ang Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) sa Gobyerno na magkaroon ng agarang aksiyon para maprotektahan ang mga kabataan, partikular ang Bangsamoro Region sa Mindanao. Itoy matapos na tuluyan ng ibasura sa House of Representative ang proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) nitong nakaraang linggo.

Sa isinagawang Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Café na pinangunahan ni Wilson Lee Flores bilang Moderator at may-ari ng nasabing lugar,  sila rin daw ay sumusuporta sa adhikain ng PLCPD na mai-promote ang peace, justice, family welfare at ang socio-economic development sa lugar na kung saan may kaguluhan.

Nanawagan sina PLCPD Executive Director Romeo C. Dongeto at PLCPD Vice-Chairman Congressman Teddy B. Baguilat sa lahat ng sector sa lugar na may kaguluhan, na itigil na ang pag rerecruit ng mga kabataang may edad na 15 pababa para isabak sa labanan at sa iba pang biolenteng gawain.

Ayon kay Baguilat, siya at iba pang legislators ay nangangamba na sa pag collapse ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL), Mahikayat ang mga kabataang Muslim na sumanib sa mga grupo, katulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Mindanao, Abu Sayaff Group (ASG) sa Basilan at Sulu, international radical group na kilalang  Islamic State sa Syria at Iraq na mas kilala sa tawag na ISIS, IS, ISIL, o Da’esch. Ang ISIS ay sinasabing nag rerecruit  di umano sa Central Mindanao ng southern Philippines.

Nanawagan pa sina Dongeto at Baguilat, sa Gobyerno, Muslim, at ibang sector “ na ituloy-tuloy lang ang dialogo at ukol sa kapayapaan,  “in order to achieve comprehensive peace and social justice for the conflict areas, and to safeguard the rights and welfare of the children, women, families whether Muslim, Christian, Lumad or others”. (Photo by: Robert Guines )

imageimage