image

Writer/ Columnist Wilson Lee Flores bilang host kasama ang guest na si Former Justice Secretary Leila de Lima,  sa isinagawang Pandesal Forum kamakaialan na dinaluhan ng maraming MEDIA, na ginanap sa Kamuning Bakery Café nitong nakaraang March 11, 2016

Siya si Former Justice Sec. Leila de Lima, isinilang taong Agusto 27, 1959, anak ng dating COMELEC Commissioner na si Vicente de Lima at Norma Magistrado. Siya ay nagtapos ng primary at secondary  education sa La Consolacion Academy sa kanyang bayang sinilanagan sa Iriga, Camarines Sur (Bicol), at nagtapos naman ng Bachelor’s degree  sa History at Political Science sa De La Salle University noong taong 1980. Nagtapos siya ng abogasiya sa San Beda College noong 1985 na kung saan naging Salutatorian, at pangwalo sa Bar Exam sa parehong taon. Naging inspirasyon ni Leila ang kanyang ama para magsilbi sa taong bayan, ang kanyang ama na nagsilbi bilang member ng Provincial Board ng Camarines Sur at dating COMELEC Commissioner. Nagsimula ang kanyang government career sa Supreme Court , bilang legal staff ni Associate  Justice Isagani A. Cruz.

image

Work History:

Secretary, Department of Justice (June 2010); Chairperson, Commission of Human Rights (2008-2010);  Partner, De Lima  Law Firm (1998- 2008); Junior Partner, Roco, Buñag, Kapunan at Migallos (1995- June 1998); Clerk/Secretary, House of Representative Electoral Tribunal (1993-1995); Junior Associate, Jardeleza Law Offices (1991-1992); Junior Associate, Jardeleza Sobreviñas Diaz Hayudini at Bodegon Law Offices  (1989-1991); Ligal Staff, Supreme Court Associate Justice Isagani A. Cruz (1986to 1989).