NAGSAGAWA ng press conference kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ginanap sa Science Garden, at pormal nang inanunsiyo ang pagsisimula ng tag-ulan o rainy season sa bansa.

Ayon kay PAGASA Anthony Lucero, Climate Monitoring and Prediction Section, na ang magdamagang pag ulan na naranasan nuong isang gabi at ang sunud-sunod na nararamdamang pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa ay epekto ng climate system.

Inaasahang ang El niño ay magtatapos sa pagsapit ng huling linggo nitong buwan ng July at kasunod nito ang pagpasok naman ng La Niña. Kung kaya nagpaalala na ang PAGASA na maging handa ang publiko sa mararanasang sunod-sunod napag-ulan ngayong taong 2016.

Asahan na rin ang 7 hanggang 19 na bagyo ngayong taon, at sa huling quarter ang malalakas na bagyo.

Ayon pa sa PAGASA, patuloy ang kanilang pag momonitor sa sitwasyon, updates, pagbibigay ng abiso at precautionary measures sa publiko at lahat ng ahensiya na may kinalaman sa paparating na La Niña.

Nakahanda na rin umano ang ahensiya sa ganitong mga sitwasyon.