DAHIL sa kakulangan ng magagamit na Libro sa library ng public at ibang private school sa bansa para sa research ng mga estudyante, naka-isip ang DOST ng magandang paraan para matugunan ang kakulangan ng libro.
Nitong nakaraang September 23, 2016, walang pagsidlan sa tuwa ang mga estudyante, guro, mga magulang at residentente ng Dayap National High School sa Barangay Dayap, Calauan, Laguna matapos na makabitan ng Super STARBOOKS ang kanilang campus. . Sila ang masuerte at pinalad na makabitan ng ika-1000th site ng STARBOOKS na binuo ng Science and Technology Information Institute (STII), na ahensiya ng Department of Science and Technology (DOST).
Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato T. De La Peña ang unveiling ng marker para sa ika- 1000th site ng DOST STARBOOKS. Ito ay dinaluhan nina Calauan Mayor Buenafrido T. Berris, DOST Assistant Secretary for Countryside Development Dr. Urduja A. Tejada, DOST Region IV-A Director Dr. Alexander R. Madrigal, DOST-STII Director Richard P. Burgos, DepEd Superintendent Dr. Joselyn S. Solana, Dayap National High School OIC and DepEd Supervisor Dr. Florentina C. Rancap, and Provincial S&T Center-Laguna Director Engr. Samuel L. Caperina.
Sa kalagitnaan ng mensahe ni Secretary DeLa Peña, pumili siya ng 10 estudyante na nasa grade-7 at isa-isang tinanong kung ano ang gusto nilang maging sa paglaki. Anim ang sumagot na gusto maging engineer, apat naman ang nais maging Doctor. Agad na ipinakuha ni De La Peña ang mga pangalan nila para gawing scholar ng DOST. Nangako naman ang Mayor ng Calauan na si Buenafrido T. Berris na magdadagdag sila 20 additonal units ng computer para sa kapakinabangan ng mga estudyante sa Dayap National High School at additonal site para sa bayan ng Calauan, Laguna.
Ang DOST STARBOOKS ay ang kaunaunahang digital science library-in-a-box sa bansa na inilungsad taong 2011. Maari itong gamitin kahit walang internet. Sagana ito sa research materials sa science and technology local and foreign, resource materials sa text, video, and audio formats; mayroon din journals, technology materials at livelihood videos. Kasama nang nakapaloob na topic dito ang tungkol sa food and nutritions, health at medicine, energy, environment, climate change, livelihood projects, at iba pa.
Sa ngayon, ang upgraded version na tinawag na Super STARBOOKS na siyang ikinabit sa loob ng campus ng Dayap National High School ay may apat na terminals para magamit ng maraming estudyante, bukod sa dati ng contents na nakapaloob sa kauna-unahang STARBOOKS, ang Super STARBOOKS ay mayroong pang 15,000 mahigit na research materials kasama na ang Tamang DOSTkarte Livelihood series idial for students, professionals, at housewives na may enterpreneurial spirit.
Ang super STARBOOKS sa ngayon ay ipinapakalat na nationwide sa ibat-ibang private at public school sa bansa, maging sa mga municipal libraries, government offices at iba pang institusyon ng libre. Ang kailangan lamang na magkaroon ng computer unit at kiosk ang makakabitan nito, at bahala na ang STII na mangalaga sa content, pag-uupgrade ng unit at training ng librarian. Posibleng maging katuwang na ng DOST ang Samsung, Aboitiz, Eastwest Rural Bank, Cebuana Lhuillier, Children’s Hour Philippines at ang HP sa darating na mga araw.
Ang ilan pa sa magiging upcoming content partnerships ng STARBOOKS ay ang CFO (Sentro Virtual Rizal), Technology Patents-TAPI, Entries for RICE and NICE – TAPI, Front Learners E-Learning, Interactive Softwares from Various National High School, Desaster Information Videos from -Weather Philippines, at ang Pinoy Science- PCIEERD.
Dahil sa novelty ng DOST STARBOOKS ito ay binigyang parangal ng American Library Association ng Presidencial Citation for Innovative International Library Projects taong 2015, June 29, sa International Librarians Reception sa San Francisco Library sa San Francisco California.
Ang clients category ng STRABOOKS sa ngayon as of June 24, 2016: school 769 sites (82%), LGU 96 sites (10%), NGO’S/Private Institutions 69 sites (7%) at 5 sites (1%)naman sa Gov’t Agency. At sa darating na October 29, 2016 ang STARBOOKS at tutungo sa Selangor, Malaysia para sa Kuala Lumpur Engineering Science Fair (KLESF). (Click picture below to enlarge)