image

Ang East Avenue Medical Center (EAMC) ay nagsagawa ng Inauguration Ceremony at Blessing ng mga bagong Facilities nitong nakaraang September 28, 2016. na kinabibilangan ng Breast Care Center, Main Pharmacy,  Operating Room Complex (OR), Post Anesthesia Unit (PACU), Surgical Intensive Care Unit (SICU), Medical Intensive Care Unit (MICU) at ang Resperatory Unit Complex.

Sa nasabing okasyon, naging pangunahing pandangal at tagapagsalita si Senator Cynthia A, Villar, DOH Asec. Nestor Santiago Jr. kasama sina Rep. Bingbong  Crisologo, 1st District, Quezon city, ang apo ni Rep. Sonny Belmonte bilang representative nito na si Mykee Belmonte at mga bisita mula sa ibat-ibang ospital at staff ng EAMC.

Pinangunahan ni Dr. Roland L. Cortez, MD, FPCHA, MHA, CESO IV, CEO VI Medical Center Chief II East Avenue Medical Center ang pag welcome sa mga guest speaker at mga bisita.

Kasunod nito ang presentation of East Avenue Medical Center Developments, at ang Mensahe ni Senator Cynthia Villar.

Sa mensahe ni Sen. Villar, isa umano ang East Avenue Medical Center ang malapit sa kanyang puso dahil karamihan di umano sa mga dinadalang pasyente rito ay mula sa mahihirap na pamilya. Ayon pa sa Senadora, pag may pagkakataon din lang dumadaan siya sa EAMC para bumisita sa mga naka confine na mahihirap partikular sa mga babaeng pasyente na nasa Breast Care Center.

Sa Clossing remarks ni Ma. Victoria M. Abesamis, MD, MHA, FPPS, FPSPO Chief Medical Professional Staff II, pinasalamatan niya ang mga naging pangunahing tagapagsalita at mga naging bisita na dumalo sa nasabing pagtitipon. Sa Invocation at pag awit ng National Anthem kasama na ang Intermission Number ito naman ay ginampanan ng EAMC Choir. Si Ma. Nerissa A. De Leon, MD MM at Rene Louie Gutierrez MD, MM naman ang nagsilbi bilang Master of Ceremony.(Click picture below to enlarge)

imageimage

imageimage

imageimage

image image

 imageimage

imageimage

imageimage

imageimage