BUHAY OFW NGAYON ATBP.

Ni Therry Alpa

image

Yan ang madalas na katanungan ng mga anak ng Ofws. Nauunawaan ba ng mga bata kung bakit ang kanilang mga magulang ay kailangang lumayo para maghanapbuhay sa malayong lugar?

Mga Ofws na naghahanap buhay sa ibayong dagat ay umaasa na mauunawaan ng kanilang mga anak kung bakit kailangan nilang lumayo. Masakit sa isang ina ang lumayo para mag alaga ng mga anak ng kanilang amo, pero ang sarili nilang anak ay lumalaki at inaalagaan ng ibang tao. Kamaganak man o hindi, iba pa din ang pag papalaki ng isang tunay na magulang sa kanilang mga anak.

Mga musmos pa lang ang mga bata ay iniiwan na ng kanilang magulang, para maghanapbuhay. Hindi nga alam ng kanilang mga anak kung saan naroon ang kanilang tatay o nanay. Ang mga panganay na anak lamang na tumatayong magulangang nakakaunawa na ang lahat ay para sa kanilang kinabukasan

Ayon  sa magkapatid na iniwan ng magulang para makipagsapalaran , hindi daw sila nakaramdam ng pagdurusa ng sila ay mahirap lang. Hindi sila nagutom. Pero sila daw magkapatid ay talagang nagdusa ng sila ay iwan ng kanilang magulang sa loob ng 5 taon. Ngayon ay magkakasama na sila na naninirahan sa ibang bansa, pero ayon sa kanila ang maraming taon na malayo sa magulang ay nag iwan ng isang malalim na pilat. Alam daw nila na mahal sila ng kanilang magulang, pero sana daw ay ibang desisyon sa buhay ang kanilang ginawa.

Ang artikulong ito ay isang paalala na ang pinaka mahalagang pangangailangan ay hindi pera lang o materyal na bagay, kung hindi ang pagmamahal, at ang pagsasama sama ng isang pamilya. Nakakalungkot na sa pagnanais na magkaroon ng kaginhawaan sa buhay lalo na para sa pamilya ay natatalo ang dapat sana ay pagmamahal na iuukol na lang natin sa pagpapalaki ng ating mga anak. Maraming magulang na OFW na ang iniisip na kaya namang palitan ng materyal na bagay ang panahon na wala sila sa piling ng  kanilang mga anak. Pero pag tinanong mo ang kanilang anak ganito ang kanilang kasagutan: “ Sana hindi na lang ninyo kami iniwan, sana hindi na lang kayo nag abroad”.

Our children will experience childhood only once. Ito ang panahon na kailangang kailangan nila ang patnubay ng magulang, lalo na ng isang INA. Sana hindi natin sinayang ang ganitong pagkakataon .

Dahil sa iyong pag uwi, anak na iyong iniwan ay lumaki at nagkaroon na ng sariling buhay, at magiging abala na para sa kanyang sarili at wala na din oras para sa iyo.

image