image

Umabot sa mahigit 2,000 special children mula Metro Manila at Antipolo City ang nakilahok sa pagdiriwang ng ika-41st taong annibersaryo ng Camp Pag-ibig na pinagunahan ng Quezon City hall na ginanap sa Balara Filters Park nitong nakaraang linggo, February 19, 2017. Ibat-ibang aktibidad ang isinagawa katulad ng swimming, dancing, music, survival skills at tree planting. Ang nasabing selebrasyon ay inorganisa ng Philippine Association For Intellectual Disability, Inc. sa suporta at pakikipagtulungan ng Quezon City Government.