Ni NOLI C. LIWANAG

MARINA BAY SANDS, Singapore – Inihahandog ng largest global sports media property in Asian history, ONE Championship™ (ONE), ang 10 bout full card ng ONE: Immortal Pursuit, na gaganapin sa Nobyembre 24 sa Singapore Indoor Stadium.
Asahan na ang isa na namang maaksyon at kapana-panabik na gabi ng martial arts na pangungunahan ng mga martial artist sa buong mundo na magsasagupa sa ONE Championship cage.

Ipinakilala sa ginanap na press conference sa Simpor Junior Ballroom of Marina Bay Sands, Singapore, noong Nobyembre 22, ni ONE Championship chairman-CEO Chatri Sityodtong, ang mga maglalaban sa ONE Immortal Pursuit kung saan ang mga fighters ay tatampukan nina Ben Askren, Shinya Aoki, Amir Khan, Adrian Pang, May Ooi, Vy Srey Khouch, at mga Filipino MMA Richard Corminal at Gina “The Conviction” Iniong.
Mula sa pagkakapanalo sa nakaraang ONE: Legends of the World na ginanap noong Nobyembre 10, sa State-of-the-Art facility ng SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City, sa Women’s atomweight bout, kampeon ang Filipina fighter na si Gina “The Conviction” Iniong kay Priscilla Hertati Lumban Gaol sa pamamagitan ng TKO (Strikes) na naorasan ng 2:12 minutes sa Round 2.
Ilang linggo lamang ang lumipas lalaban na muli ang pambato ng Lakay Central Gym na si Iniong (6-2-0) kontra sa pambato ng Japan na si Mei Yamaguchi na may record na 16-10-1, para sa atomweight title.
Makakalaban naman ni Richard Corminal (4-1-0) ng Philippines si Arnaud Lepont ng France para sa lightweight title.
Magsasugupa naman para sa main event sina Ben ‘Funky’ Askren ng America (17-0-0) kontra kay former ONE Lightweight World Champion Shinya “Tobikan Judan” Aoki ng Japan (39-6-0), para sa welterweight title.
Matatandaang napanatili ni Askren, ang ONE welterweight world title nang talunin si Zebastian ‘The Bandit’ Kadestam ng Sweden sa ONE Championship: Shanghai noong Setyembre sa 15,000-seater Shanghai Stadium.
Ipinakita at ipinamalas ni Askren ang kahusayan sa wrestling nang pabagsakin ang karibal at pulbusin ng suntok para mapuwersa ang referee na itigil ang laban sa second round.
Ang makakalaban naman ng American fighter na si Aoki ay beteranong martial artist ng Shizuoka, Japan, isa sa world’s most decorated athletes. Si Aoki ay DREAM Lightweight Champion, former Shooto Welterweight Champion, at former ONE Lightweight World Champion.
Bukod dito, ang 34-anyos na si Aoki ay Brazilian jiu-jitsu black belt ng Yuki Nakai at kampeon sa multiple grappling tournaments at hawak din nito ang judo black belt at ikinukunsiderang one of the best grapplers ng professional martial arts competition sa panahon ngayon.
Para sa lightweight title magsasagupa naman sina Amir Khan (4-2-0) ng Singapore at Adrian “The Hunter” Pang (20-8-2) ng Australia.
Ang 22-anyos na Singaporean top lightweight contender Khan ay isang martial artist may professional record 8-2, kinikilalang one of the most promising young talents ng Singapore para sa international stage ng martial arts.
Si Pang ay isang beterano ng martial arts mula sa Queensland, Australia, may 22-10-2 na professional record.
Leandro “Brodinho” Issa (13-6-0) ng Brazil vs Dae Hwan Kim (0-0-0) ng South Korea, para sa bantamweight title.
Si Issa ay 34 taong gulang na Brazilian jiu-jitsu world champion black belt mula sa Sao Paulo, Brazil, na nagsasanay at nakikipaglaban para sa world-renowned Evolve Fight Team sa Singapore. May record ng 14 panalo at anim na talo, kasama ang siyam na panalo sa pamamagitan ng submission at dalaang knockout.
Makakalaban ni Issa, ang 30 taong gulang na Korean martial artist na si Dae Hwan Kim, may propesyonal record na 12-1 at isang draw.
Nagsimulang sumabak sa laban si Kim noong 2013, kung saan tinalo nito sina Thanh Vu at Kevin Belingon para sa unang dalawa niyang laban sa ONE Championship. Noong 2014, nilaban ni Kim si Bibiano Fernandes para sa ONE Bantamweight World Championship. si Kim ang isa sa top contenders para sa bantamweight.
Ilan pang bugbugan ang masasaksihan sa ONE Championship 65: Immortal Pursuit sa Singapore Indoor Stadium, tulad ng fight card – for strawweight title: May Ooi (2-2-0) Singapore vs Vy Srey Khouch (2-0-0) Cambodia.
For featherweight title: Ahmed Mujtaba (6-0-0) Pakistan vs Li Kai Wen (China).
For catchweight title (68.0KG): Muhammad Aiman (2-1-0) Malaysia vs Yang Fei (0-1-0) China.
For strawweight title: Tiffany Teo (4-0-0) Singapore vs Pooja Tomar (2-0-0) India.
For strawweight title: Sim Bunsrun (2-3-0) ng Cambodia vs Miao Li Tao (China).