Ni: JIMMY CAMBA
Nasa larawan sina: Dr. Fiorello B. Abenes, Dr. Shierley C. Agrupis, Dr. Armando Q. Ganal, Dr. Stanley Malab, nasa bahaging likuran naman sina: Dr.Rogelio C. Evangelista at Joel Eneristo A. Joven (ACD) PCAARRD
Matagumpay ang tatlong araw na Grand Event ng Ilocos Agriculture, Aquatic, and Resources, Research Agriculture, Aquatic, and Development Consortium (ILAARRDEC) na may Temang Enhancing Research Culture to ACHIEVE AmBisyon Natin 2040, at 1st Bamboo-Seaweeds Fiesta At Iba Pa na ginanap sa Teatro Ilocandia Mariano Marcos State University Batac City, Ilocos Norte noong nakaraang Nov. 27-29, 2017.
Sa unang bahagi ng programa nagkaroon ng Motorcade, kasunod ang mensahe ni Dr. Shierley C. Agrupis, Pangulo ng MMSU at Chair RRDCC, ILAARRDEC para ipakilala ang panauhin pandangal Keynote Speaker na si Dr. Fiorello B. Abenes, Manager ng Faculty and Institutional Development USAID-STRIDE. kasunod ang Ribbon Cutting at Viewing of Exhibit for FIESTA sa (MMSU Covered Court). Nagkaroon din ng Media Forum kung saan tinalakay ang Regional Symposium on R&D Highligths. Mayroon din Laro ng Lahi tulad ng Palosebo, Kadang-kadang,Pabitin, Pa-apoy at Seaweeds Eating.
Sa pagpapatuloy ng 1st Bamboo-Seaweeds Fiesta, ibinahagi ng mga eksperto ang mga bagong tuklas na potensyal ng seaweeds at kawayan. Maghapon ang Tecno-Forum at ibinida ng mga Propesor mula sa ibat-ibang unibersidad sa Region 1 ang pag-gawa ng sari-saring produktong pagkain na gawa sa seaweeds. Kabilang dito ang Gracilaria, Caulerpa at Codium. Makikita sa exhibit ang mga seaweeds product na dinevelop ng MMSU at Don Mariano Marcos State University (DMMSU).
Ayon kay MMSU-Science Research Especialist Mercy Gaňo, mayroon na ngayon Seaweeds Kropek, Polvoron, Pickels at Pastillas. Bukod sa produktong pagkain, ang brown seaweeds o aragan ay magagamit din bilang organic fertilizer, Habang ang Bamboo o Kawayan ay malaki rin ang potensyal sa merkado, gaya ng kawayan charcoal briket, kawayan wine, bamboo tea at charcoal soap.
Sinabi naman ni Dr. Stanley Malab, tinaguriang Bamboo King, na marami na namang estudyante mula sa ibat-ibang unibersidad sa Region 1 ang makikinabang sa Bamboo-Seaweeds Technology Forum, at umaasa ang ILAARRDEC at DOST-PCAARRD, na magbubunga ito ng marami pang Technology Adoptors, na makapag-ambag para sa ikau-unlad ng Ilocos Region.