Ni: Max Ferrer

image

Buhay na buhay na naman ang PBA sa pagbubukas ng 43rd Season na inumpisahan ng 2018 PBA Philippine Cup.  Lumitaw ang mga naggagandahang mga muse ng bawat koponan sa kanilag pagparada kasama ang mga manlalaro ng bawat team.

Solidong kooperasyon ang ipinakita ng lahat ng mga Board of Governors na pinangunahan ng bagong Chairman Ricky Vargas ng Talk and Text nang magresign si Commissioner Chito Narvasa.  Itinalagang OIC ang magiting na PBA Bureau Chief na si Willy Marcial hanggang hindi pa nakakapili ng bagong commissioner.

Ang inaugural game ay nakitaan ng galing ang San Miguel Beermen nang pataubin ang napakalakas na Phoenix Fuel Masters sa iskor na 104 – 96 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City kamakailan.

image

imageimageimage

Download all attachments as a zip fileimage